Marian Rivera overwhelmed by success of "Marimar" pilot episode
Kahapon ng tanghali, August 14, lumabas ang official overnight rating ng AGB Nielsen Philippines for Monday (August 13) para sa Mega Manila households. Ang pilot episode ng Marimar ng GMA-7 ang highest rating primetime soap for Monday with 36.6 percent against ABS-CBN's Deal or No Deal with 26.5 percent.
Nagte-taping si Marian Rivera for Marimar nang nagsunud-sunod ang congratulatory text messages sa kanya ng mga GMA-7 executives kung kaya't nagkaroon ng instant celebration sa set.
"Salamat po sa lahat," ang ipinarating na mensahe ni Marian sa kanyang manager na si Popoy Caritativo nang hiningan ng namin ng reaksiyon ang young actress.
Sabi pa ni Marian, "Ang saya rito sa set, ang taas ng energy. Nagpadala po ng text sa akin si [VP for Drama] Ms. Lilybeth [Rasonable]. Actually hindi lang naman po sa akin ito kundi para sa lahat sa amin na nagtatrabaho sa Marimar, pati na kina Direk Joyce [Bernal] and Direk Mac [Alejandre] at kay Dingdong [Dantes].
"Masaya po kami rito kasi hindi lang naman ang Marimar ang mataas, pati ang whole block ng primetime ng GMA."
Umikot sa excitement ng pilot ng Marimar kaya mataas din ang lahat ng primetime soaps ng GMA-7 na dati nang mataas ang rating. Ang Mga Mata Ni Anghelita ay nakakuha ng 35.7 percent against Kokey at 25.1 percent; Lupin generated 36 percent against Ysabella's 26.5 percent; naka-33.9 percent naman ang Impostora vis-a-vis Walang Kapalit at 21.1 percent; at pati ang Koranovela na Jumong ay nag-register ng 30.0 percent rating against Natutulog Ba Ang Diyos? at 16.1 percent.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home