Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Ai Ai, welcome sa GMA 7

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, August 29, 2007

Ai Ai, welcome sa GMA 7

Tinanggap ni Ma’am Wilma Galvante ang paghingi ng paumanhin ni Ai Ai de las Alas dahil sa hindi paglipat nito sa GMA 7.

Hindi raw sumama ang loob ni Ma’am Wilma dahil kaibigan niya ang komedyana at hindi raw ito ikasisira ng kanilang pagkakaibigan.

Inaanak ni Ma’am Wilma ang pangalawang anak ni Ai Ai at halos nakabantay raw siya sa bata bilang ninang kaya matibay ang pagkakaibigan nila ni Ai Ai na hindi masisira sa ganung isyu lang.

Ilang beses na raw iyang ginawa ni Ai Ai na noon pa ay hinihingan siya ng trabaho na hindi natutuloy kaya hindi na raw isyu sa kanya itong huling pangyayari.

Kapag naisipan daw ni Ai Ai na ituloy ang paglipat, welcome daw si Ai Ai sa GMA 7.

Ang pagkakaalam namin, isang daily game show sana ang ibibigay kay Ai Ai.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...