Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Marian rebelasyon sa Marimar

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, August 21, 2007

Marian rebelasyon sa Marimar

BIG revelation talaga ang bidang si Marian Rivera sa Marimar.

Nagulat kami sa napakalaking transformation niya mula sa pagiging baduy at plain looking’ young star, to now very sexy, alluring and very vibrant lady na magrereprise ng role na pinasikat ni Thalia dati.

Ang laki rin ng ipinayat ni Dingdong Dantes na in fairness ay talaga namang adonis sa kanyang tindig at tikas sa role na Sergio. Kasama din sa cast ang la primera kontrabida ng GMA na si Katrina Halili na super sexy din sa kanyang papel bilang si Angelika.

Malalaking artista ang mga nagbibigay suporta kay Marian. Bukod nga kina Goma at Katrina, nandiyan din sina Rita Avila, Jestoni Alarcon, Bing Loyzaga, Manilyn Reynes, Caridad Sanchez, Leo Martinez, Nadine Samonte, Bianca King, Boboy Garovillo, Marky Lopez, Mike Tan at marami pang iba.

Ultimo ang pamosong si Fulgoso, ang asong minahal na rin natin ay hindi basta-basta voice talent ang nasa likod. Sinamahan pa siya ng isang cute na aso sa pangalang Fifi. Sina Michael V at Rufa Mae Quinto ang magbibigay boses sa kanila, respectively, kaya’t malaking part din sila ng serye.

Take note, ang walang kamatayang theme song na isinalin sa tagalog ay buong husay na inawit ni Regine.

1 Comments:

At 3:40 AM, August 30, 2007, Blogger anabelle said...

bagay sila ni dingdong may kilig factor!!!!!!!!!!!!!

 

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...