Ouija nina Jolina, Juday may world premiere
MAGANDA ang pagtanggap ng publiko sa Ouija, ang latest offering ng GMA Films at Viva Films na pinapilahan ng mga tao sa mahigit na 100 theaters nationwide at pinag-uusapan ng mga nakapanood nito.
At kahit na 'yung ibang nakapanood nito ay gusto muling panoorin ang Ouija, ang bagong certified box-office hit ng GMA Films at Viva Films.
Bukod sa grade A rating na nakuha nito mula sa Cinema Evaluation Board (CEB), gustong patuna-yan ng success ng Ouija na may pag-asa pa ang local movie industry.
Maganda ang pagka-kagawa ng Ouija. At sa paningin ng CEB, nagtagumpay ang direktor na si Topel Lee sa kanyang intensiyon na gumawa ng isang well-crafted horror film. At nagawa niyang takutin ang audience. Unanimous ang naging desisyon ng CEB na big-yan ng "A" rating ang pelikula.
At kahit pa dalawang higanteng Hollywood movies ang kanyang kasabay, mas marami pa rin ang nanood sa Ouija sa opening day nito nu’ng Miyerkules last week.
Successful talaga ang unang attempt ng GMA Films na gumawa ng isang horror film. Mahigit P60 million na ang kinita ng pelikula hindi pa naman complete ang first-week run nito.
Now the movie is on it’s second week and still making money at the tills.
Impressive ang directorial job ni direk Topel. Mabilis ang editing at ang fade-to-black at cut-to-cut technique na ginamit ng direktor ay nakadagdag para magkaroon ang Ouija ng sarili nitong style as a film.
Puring-puri rin ang ci-nematography at musical scoring ng pelikula. Marami rin ang nagkagusto sa kakaibang twist ng pelikula. Pinuri rin ang cast para sa mahusay na performance. Perfect din ang pagkapili sa Camiguin para maging setting ng pelikula at bumagay ito sa istorya.
Sa thanksgiving party na ipinatawag ng GMA para sa tagumpay ng Ouija sa takilya, napag-alaman naming pinaplano na ang sequel nito. Sina Judy Ann Santos at Jolina Magda-ngal pa rin ang mga bida at baka sa abroad ito kunan. Gusto nga ni Direk Topel na sana ay sa Alaska ang maging setting ng movie. Baka rin makasama sa sequel sina Iza Calzado at Rhian Ramos kahit na presumed namatay sila sa unang kuwento ng Ouija.
Kaya naman excited ang GMA Films at Viva Films para sa world premiere ng Ouija. First time kasi ito para sa GMA Films, gayundin sa mga bidang sina Juday at Jolina. First stop will be in Seattle on Sept. 29; Sept. 30 in San Diego; and Oct. 7 in Orlando.
Then, the performers will continue with Lovespeak: The US Concert Tour on Oct. 12 in Las Vegas and Oct. 14 in Carlson.
Sa GMA Films at Viva Films, kina Juday, Jolens, Iza at Rhian, at kay Direk Topel, ang aming taus-pusong pagbati for the success of Ouija.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home