Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Iza nagpunta na ng Canada para sa shooting ng 'The Echo'

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, August 13, 2007

Iza nagpunta na ng Canada para sa shooting ng 'The Echo'

NGAYONG araw, August 13, nakatakdang lumipad si Iza Calzado for Canada para sa shooting ng The Echo, ang Hollywood remake ng Pinoy movie na “Sigaw” ni direk Yam Laranas, na dating pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at ngayon ay pagbibidahan ng Hollywood actor na si Jesse Bradfort.

Biglaan nga ang pag-alis ng dalaga ni Lito Calzado. Iza was originally scheduled sana to leave sa August 20. Pero napaaga nga ito. Walang masyadong detalye si Iza why she has to leave a week before her original schedule. Magkukuwento na lang daw siya kapag nagbalik na siya pagkaraan ng ilang araw sa Canada.

“All I know is magsisimula na ako sa trabaho ko,” kuwento niya sa amin bago siya pumasok sa conference hall ng Philippine Children’s Medical Center (PCMP) kung saan nagselebreyt siya ng kanyang 25th birthday sa ilang cancer-stricken children ng naturang hospital. Iza’s actual birthday falls August 12.

Ilang araw lang ang ilalagi ni Iza sa Canada at pagkatapos ay babalik ulit siya rito para naman sa taping ng Impostora.

Dahil nga sa biglaan ang call slip niya sa The Echo, kaya hindi siya nakapag-advance taping ng top-rating GMA series. Pero nagawan rin nga ng paraan para makaalis na agad siya to fulfil her obligations as an actress sa The Echo, her first Hollywood movie.

May expectations ba siya sa paggawa niya ng Hollywood movie?

“Wala akong expecations. I’ll just fly there and do my job,” maikling sa-got niya sa ilang press na nakibahagi sa selebras-yon niya sa hospital.

Naiilang daw si Iza kapag inuurirat siya tungkol sa magandang kapalarang dumating sa buhay niya. Pero kahit i-lang, aminado naman siyang pinaghandaan na rin daw niya ito.

“I’ve been preparing. I will just tell you all my preparations when I’m done with it. Kasi I really don’t like to talk about this stuff before doing it. Kaya lang this is a special case kaya medyo i-lang nga ako, kasi parang alam na ng tao na aalis ako,” she admits.

Sa tanong kung may pressure ba on her part lalo na’t isang Hollywood movie itong gagawin niya.

“Of course, kasi everywhere I go, they know that I’m doing a movie in Hollywood. Kaya nga that’s also one of the reasons na hindi ko gustong ipinapaalam as much as possible kasi parang ‘Oh gosh, people know’ tinanggal ko ito sa isipan ko. Hindi ko na lang iniisip,” lahat ng magaling na aktres.

Nag-sync in na ba sa kanya that she’s going to Hollywood?

“Minsan, minsan,” paulit-ulit niyang sagot.

“Pero feeling ko magsi-sych-in lang talaga ito kapag andu’n na ako. But as of now, wala pa akong masyadong nararamdamang ganu’n.

“Kasi ang dami ko pa kasing inaasikaso rito for the past few weeks just to make this project happen. Kumbaga, to make my word sa lahat ng commitment ko rito. And of course, GMA has been supportive. So I’m very thankful.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...