GMA-7 declares Marian Rivera its "Next Big Star"
The way GMA-7 handled the press conference of their newest teleserye, ang Marimar, last night, August 7, sa Studio 3 ng GMA-7, masasabi ngang isang espesyal na project ang naturang soap opera sa network. Malaki rin ang tiwala at suportang ibinibigay nila sa inaalagaang next most important star sa network, si Marian Rivera.
Maganda rin ang mensahe at introduction na ginawa ni Atty. Felipe Gozon for Marian through a VTR. Ayon sa president ng GMA-7, "Hindi mabubuo ang primetime soap na ito if hindi namin nakita ang bagong Marimar. And since then, everything fell into place.
"GMA'7's next big star and our very own Pinay Marimar, Marian Rivera!"
During the presscon, nabanggit ni Marian na 11 years old pa lamang siya nang ipalabas sa bansa ang Marimar. "Hindi ko po siya nagawang subaybayan noon. Kaya nang ako na po ang napiling Marimar, pinanood ko po talaga ang VCD ng Marimar," sabi ni Marian.
"Ngayon po talaga, napakasarap talaga ng feeling. Hindi pa man nag-e-air ang Marimar, pero kapag may mga nakakakita na po sa akin, ang tawag na nila sa akin, 'Marimar,'" nakangiting kuwento ng young actress.
BORN TO BE MARIMAR. From the start pa lang, masasabi nga raw na swak na swak kay Marian ang role na Marimar—bukod sa acting at singing na gagawin, more on dancing talaga, na isa talaga sa talento niya. Kaya hindi raw siya masyadong nahihirapan sa mga paikut-ikot niyang sayaw, maging ‘yung nararapat na sensual dancing.
Kuwento nga ni Marian sa pakikipanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), "Hindi naman po ako nahihirapan kasi gusto ko ‘yung ginagawa ko, kaya hindi ko masasabing nahihirapan ako. Kasi hilig kong talaga ang pagsasayaw. Bata pa lang po ako, talagang sumasali na ko sa mga dance competitions. At saka, siguro po, magaling din kasing sumayaw si Dong [Dingdong Dantes, her leading man] kaya mas nagiging madali."
Talagang Marimar ang gustung-gusto niyang gawin nang malaman niyang may audition para sa title role. Kung saan-saan din daw siyang simbahan nagsimba upang ipanalangin na sa kanya mapunta ang naturang role. Baka raw dahil dito ay ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7 ang show.
"Siguro po, mabait lang talaga ang Diyos!" bulalas niya. "Ang dami-rami ko pong simbahan na sinimbahan para makuha ko ‘to. Ang dami! Tagaytay, Quiapo, Baclaran! Ang dami, kulang na lang siguro, lahat ng simbahan pasukin ko.
"Noong sinabi talaga na mag-audition ako, doon pa lang, sinabi ko na, ‘Ah, 'eto na ang pagkakataon ko. Gagawin ko ang lahat. Magre-research ako, paghahandaan ko ang sayaw ko, lahat!' Talagang preparado ako. Talagang, ‘eto na! Ibibigay ko ang one hundred percent ko dito. Kailangang ipakita ko na kaya ko."
Tinanong din ng PEP si Marian kung hindi ba siya nahihirapang magsayaw na shells lamang ang nakatakip sa harapan?
"Mahirap din kasi kailangan kong maging aware dahil baka mamaya, may makita. Pero okay naman siya. Kasi si Direk [Joyce Bernal], okay naman siya. Like, ‘O, ‘yung kamay, itakip mo! Kasi, medyo may nakikita na.' So okay naman siya, maingat naman," kuwento ni Marian.
Napag-alaman din ng PEP kay Marian mismo na ang kanyang vital statistics ngayon ay isang perpektong 36-24-36 sa height niyang 5'4".
"Actually po, gusto kong kumain ng kanin, kaso pinipigilan ko. Kaya minsan, brown rice na lang po ang ibinibigay nila sa akin. At kailangan, isang tumpok lang talaga, bawal sumobra," natatawa niyang sabi.
LEADING MAN. Marami silang sensual dancing ni Dingdong Dantes while promoting Marimar. May kakaiba bang nararamdaman si Marian while doing the dance with him? Si Dingdong ang gumaganap na Sergio sa Marimar.
"Siguro ano...hindi lalabas na maganda ‘yung sayaw kung wala talaga. Siguro po, meron talaga," pag-amin ng dalaga.
Kinikilig din ba siya kay Dingdong?
"Sino po ba naman ang hindi kikiligin kay Sergio?" nangiti niyang pagsang-ayon. "Nakikita ko po siya dati [Dingdong] na, ‘Wow, guwapo!' Pero nang makilala ko po siya nang mag-taping kami, hindi ‘yung pagiging guwapo niya ang nagustuhan ko sa kanya, kundi ‘yung ugali niya."
May isyu nang nagkakaroon daw ng pagkakalabuan or tampuhan sina Dingdong at Karylle nang dahil sa kanya. Nakarating na ba ito sa kanya?
"Hindi naman po siguro dahil sa akin. Siguro may iba silang problema. At kung meron man po, siguro naman po, labas na po ako doon. Si Dong na lang po ang makakasagot no'n," pahayag ni Marian.
May nababanggit ba si Dingdong sa kanya?
"Ay, wala po!" mabilis niyang sagot. "Kapag nasa taping po kami, masasaya po kami. Tulad nga po ng sabi ni Direk Joyce, parang nag-a-outing lang po kami at hindi po kami nagte-taping."
Posible ba siyang ma-in love kay Dingdong?
"Ay, ano ba yan?" natatawa niyang sabi. "Basta, ayoko pong magsalita nang patapos. Ayoko pong sabihin na hindi at ayoko rin naman pong sabihin na oo. Tingnan na lang po natin sa proseso at sa haba ng pagsasamahan namin. Basta sa ngayon po, mabuting magkaibigan kami ni Dong."
Kumusta naman sila ni Karylle?
"Kami ni Karylle? Okay naman po kami. Sa SOP po, nagkikita kami, binabati ko naman po siya. Wala namang problema."
BIG PRESSURE. Hindi pa man naipalalabas ang Marimar ay may title na kaagad na ibinigay sa kanya-ang pagiging "Next Big Star" ng GMA-7. Does she feel the pressure already?
"Ah, malaki talaga...nape-pressure talaga ako," pag-amin niya. "Pero ayoko na lang isipin na ganito, ganyan. Tine-take ko na lang as a challenge. Ayoko na lang isipin na nakaka-pressure. Kasi, the more na inisip ko, the more na mas mahirap para sa akin. So, siguro ang gagawin ko na lang, gawin ko na lang lahat ang expectation nila nang hindi naman ako mapahiya."
May pressure ba sa ideya na parang kailangan maging ka-level or mahigitan niya ang na-achieve ni Angel Locsin, na unang in-offera-an ng role ng Marimar?
"Ay, hindi naman po siguro," sagot ni Marian. "Alam ko na kinuha ako ng GMA management...na kaya nila ako kinuha dahil alam nila na may talento ako at kinuha nila ako na may tiwala sila sa akin.
"At saka, ‘yung kay Angel naman, kahit dati pa, okay kami ni Angel. At sobrang magaganda ‘yung sinasabi niya sa akin. Never siyang nagsalita ng masama sa akin."
Would she say na naging maganda para sa kanya ang naging pag-alis ni Angel sa GMA-7?
"Hindi ko naman po sinasabi na oo, pero sa ngayon na nakukuha ko itong lahat, malaki talaga ang pasasalamat ko na binigyan ako ng GMA ng chance na ipakita ko na ito si Marian Rivera.
"Kahit pakainin ako ng lupa, gagawin ko para sa Marimar!" bulalas ng young actress.
Her gain and Angel's loss?
"Hindi ko naman po masasabing kasayangan for Angel. Pero sa part ko po, talagang sobrang laking blessing po nito para sa akin. Talagang kung ganoon ang tingin ng tao, which is kawalan niya at gain ko, wala na po ako...labas na po ako. Basta ako, nagpapasalamat ako at malaki ang tiwala ng GMA management sa akin. At masaya ako kung nasaaan man ako ngayon."
In the future, masasabi kaya niyang nasa GMA-7 pa rin siya?
"Ay, oo naman po!
So, hindi niya gagawin ang anumang naging move ni Angel?
"Basta po ako, labas po ako sa kanya. Basta ako, kami ng manager ko, malaki ang utang na loob namin sa GMA management. At hindi namin iiwanan ang GMA," madiin niyang pagtatapos.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home