Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Tama na ang drama mo Willie!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, August 30, 2007

Tama na ang drama mo Willie!

Mixed ang reactions ng televiewers sa litanya ni Willie Revillame kahapon sa Wowowee kaugnay sa mga patutsada ni Joey de Leon sa Eat Bulaga.

Ilang araw na raw pinatatamaan ni Joey si Willie na may dayaan umano sa ‘Wilyonaryo’ segment ng noontime show ng ABS-CBN 2.

Sobrang maemosyon ang litanya ni Willie kahapon at maraming televiewers ang nahabag sa kanya at sinasabing may punto siya.

Marami rin ang nag-text sa amin at tigilan na raw ni Willie ang drama niya.

Si Ms. Malou Choa-Fagar (senior executive ng TAPE, Inc. na prodyuser ng Eat Bulaga) na nasa ibang bansa ngayon ay ayaw munang magbigay ng kahit na anong pahayag tungkol sa litanya ni Willie laban kay Joey.

"No reaction yet!" ang text sa amin ni Ma’am Malou kahapon.

Teka! Saang show kaya ni Joey magaganap ang reaksyon niya sa litanya ni Willie? Sa Eat Bulaga, Startalk, Mel & Joey, Nuts Entertainment o Takeshi’s Castle kaya?

Hindi kaya sa lahat ng shows niya ay sagutin ni Joey si Willie?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...