Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Marian, next big star ng GMA-7 — Gozon

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, August 09, 2007

Marian, next big star ng GMA-7 — Gozon

NAGPAKITA ng sample sa galing sa pagsayaw si Marian Rivera nang magsayaw sila ni Dingdong Dantes sa presscon-cum-launching ng Marimar nu’ng isang gabi.

Kahit magaling nang sumayaw, kumuha pa siya ng dance lessons sa Hotlegs at may sensuality workshop pa.

Nangako si Marian na gagawin ang lahat para maging successful ang Marimar, na magpa-pilot sa Monday, August 13.

Ibabalik niya sa GMA-7 ang big break at tiwala na ibinigay sa kanya. Nag-promise itong hindi bibiguin ang management at sina Direk Joyce Bernal, Mac Alejandre at ang buong production staff.

“Yes!” ang sagot ni Marian sa tanong kung handa na siyang maging reyna ng Channel 7.

Sabagay, ultimo ang big boss ng Siyete na si Atty. Felipe Gozon, “next big star” ng Siyete ang intro sa alaga ni Popoy Caritativo.

Hindi raw tatanggapin ni Marian ang Marimar kung ’di siya open sa challenges na daraanan ng isang magiging reyna.

Siya nga ba ang papalit sa tronong iniwan ni Angel Locsin sa network?

“Iba siya, iba ako at ang management ang magde-decide niyan. Hindi ko siya tatapatan at lalong hindi tatalbugan. Basta, give ko ang 100 percent sa trabaho, gagawin ko lahat para sa Marimar.”

Feeling big star na ba siya?

“Bawat punta ko sa sa GMA Network, nararamdaman ko ’yon, dahil sa trato nila sa akin at nagpapasalamat ako. Kaya lalo akong natsa-challenge na pagbutihin ang trabaho ko at tatanawin kong utang na loob buong buhay ko ang ibinigay sa aking break. Tutumbasan ko ang ibinigay nilang malaking tiwala sa akin,” pangako nito.

Sa tanong kung masarap humalik si Dingdong Dantes, “matamis” ang sagot ni Marian at nagpakatotoo sa sagot na hindi pa niya masasabi kung ma-i-in love siya rito.

“Sa ngayon, mabuti kaming magkaibigan at comfortable ako sa kanya. Kung may problema sila ni Karylle, hindi ako ang dahilan. Nagtatrabaho kami at ’di maganda kung ’di kami mag-uusap. Nagkita kami ni Karylle sa SOP at nag-hi ako sa kanya.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...