Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Si Joey lang pala!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, August 30, 2007

Si Joey lang pala!

By: Ian F. Farinas
KUNG hindi kami nagkakamali, may isang linggo nang pinagpipiyestahan sa mga umpukan at maging sa Internet ang isyu tungkol sa diumano’y dayaan sa bagong segment ng Wowowee na Wilyonaryo.

Nakunan kasi ng ilang viewers ang episode kung saan dalawang numero, isang 0 at isang 2, ang “nagsiksikan” sa iisang gulong na may kulay violet matapos ang jackpot round, at pinost ito sa You Tube for everyone to see.

Doon na nagsimulang magduda ang mga tagasubaybay na may scam o pandarayang nagaganap sa game portions ng nasabing noontime show.

Hindi lang namin ito miminsang narinig sa mga tsikahan o nabasa sa ilang entertainment sites sa Net.

Karamihan pa naman sa bloggers ay nagki-claim na regular viewers ng ABS at nanghihingi ng paliwanag tungkol sa isyu.

May isang executive nga ng Dos na nag-react, hindi naman nagpabanggit ang pangalan. Ayon sa executive, honest mistake raw ang lahat at mag-i-issue lang sila ng statement kung kinakailangan.

Sinabi pa nitong parte lamang ang kontrobersya ng isang smear campaign laban kay Willie Revillame.

Smear campaign saan? At kanino?

Malinaw siguro ang nakita ng mga manonood: Dalawa ang numerong laman ng iisang gulong.

Kaya sila nagtataka, nagtatanong. Nasa’n ang smear campaign doon?

Tapos, imbes na tumbukin ang katanungan ng bayan, ayun, at nag-iiyak si Willie sa WWW kahapon dahil sa umano’y mga patutsada ni Joey de Leon sa Eat Bulaga.

Sus, patutsada lang pala ni Joey, na kilalang-kilala naman sa pagiging palabiro at sobrang pilyo (although witty ang mga atake, ha, aminin!) ang kailangan para basagin ng WWW host ang katahimikan sa kasalukuyang kontrobersya.

Pero, hindi pa rin ganu’n ka-satisfactory ang naging paliwanag. Bukod kasi sa pagsasabing hindi siya nandaraya, ni wala man lang binanggit o sinabi kung paano nangyaring dalawa nga ang numero sa loob ng iisang gulong?

He could have very well taken the chance na “burahin” ang anumang bahid ng pagdududa ng viewers sa palaro nila.

Pero, self-serving ang mga naging pahayag niya.

Ang sabi ni Willie, addressing the audience, “Hindi po ako nandaraya. Kung naniniwala kayo na nandaraya ako, iwanan n’yo po ako, iwanan n’yo kami rito.”

Tapos, patuloy niya, “Kahit may sakit ako, kahit kung anu-ano nararamdaman ko, eh, pinipilit kong tumayo para sa inyo.

“Sa mga taong may sakit, kayo lang ang iniisip ko, off-cam, kahit walang camera, ano’ng ginagawa namin dito? Tumutulong pa rin kami!”

Ano kaya ang kinalaman ng mga ito sa usapin ng sinasabing “pandaraya”?

Kay Joey, ito naman ang kanyang tinuran na parang batang pikon na pikon, “Ikaw na ang bida, ikaw na ang number one, sa iyo na ang ratings, ikaw na! Sige, Eat Bulaga! na ang number one! at nakuha pang magbanta na, “Mr. Joey de Leon, nirerespeto pa rin kita. Huwag mong hintayin na mawala ang respeto ko.”

Komento tuloy ng isang nirerespeto at beteranang entertainment columnist, “Hindi talaga naituturo ang pagiging disente. It’s really something inherent in a person,” patungkol sa naging litanya ni Willie kahapon.

Samantala, sinikap sana ng Tonight na kunin ang panig ni Joey, pero napag-alaman naming lahat ng hosts ng Eat Bulaga ay nasa Hong Kong. Sa totoo lang, hindi kami sure kung gugustuhing patulan ni Joey ang naging eksena ni Willie.

Pero kung nabasa n’yo ang regular column ng komedyante sa isang major broadsheet kahapon, puwede nang komento ito galing sa komedyante.

Of course, iba ang pinaka-topic ng kolum ni Joey na De Leon’s Den, pero ang linya nito sa bandang dulo ay nakatatawag-pansin, lalo na pagkatapos ng ginawang pag-iyak ni Willie kahapon.

And it read: “Alam n’yo, may art din ’yung pagsundot at patama. But naturally, all these are ‘tuksuhan lang.’ Tayong lahat ay may mga pinagsamahan. Magkikita at maaring magkasama rin tayo balang araw. Kaya, walang pikunan. Paliwanagan lang. Biruan lang. Teasing is not bad. Cheating is ... on TV!”

3 Comments:

At 3:24 AM, August 30, 2007, Blogger Unknown said...

hay Joey wag mo sya pansinin TRUE lahat ng sinabi mo! correct ka dyan.... EAT BULAGA forever

 
At 3:26 AM, August 30, 2007, Blogger Unknown said...

Guilty lang Sila sa nangyari sa Wilyonaryo....kaya paawa effect sila para malihis ang focus sa iba..lumang tugtugin na yan Willie.. pag wala kang project sa Dos sa GMA ka pumupunta.....hay naku

 
At 2:39 AM, September 05, 2007, Blogger My Kapuso Zone said...

I agree, si Joey naging scapegoat lang sa nangayari... Sana inexplain na lang ni Willie ang nangyari instead of paawa effect na ginawa nya!

Joey we're behind you!!

 

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...