Marian Rivera carry ang pagiging Marimar
ILANG gabi na kaming na-kakapanood ng TV at sur-fing channels ang aming gi-nagawa.
Hmmn, natutuwa kaming panoorin ang Marimar ng GMA-7, kasi kahit remake ito at Pinoy version, halatang pinaghandaang mabuti ng lumikha at matutuwa ka sa mga ek-sena nina Marian Rivera ( bilang Marimar) at Dingdong Dantes (bilang Sergio), keri nila ang karakter nila, in fairness.
Talagang kina-career ni Marian ang pagiging Marimar, huh! Na dapat lang naman para hindi mabigo ang mga taga-Siyete na nagtitiwala sa kanya. How true na ang tunay na may pinakamaraming fans ay si Fulgoso?!
Eh, hindi naman kami nagtataka dahil kahit nu’ng original version ng Marimar ay tinalbugan pa ng asong ‘yun si Thalia, huh! Ngayon pa kaya na mas guwapo ang gumanap na aso bilang si Fulgoso?! Ayaw ni Marian Rivera. Ganoon?!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home