Mother Lily to Lovi: ‘I’m sure you won’t be a monster!’
MAY bago na namang Regal Baby si Mother Lily Monteverde at ito’y ang singer na si Lovi Poe, na pormal nang pumirma ng exclusive contract sa nasabing production outfit kahapon ng tanghali.
Magkasamang winelcome si Lovi ng Regal matriarch at anak na si Roselle Teo, na kadarating lamang mula sa dalawang buwang business-pleasure trip sa San Francisco, California.
Twelve pictures ang nakatakdang gawin ng anak ng yumaong Fernando Poe Jr. sa Regal, una na rito ang Shake, Rattle & Roll 9, na earmarked para sa Metro Manila filmfest (MMFF) sa Disyembre.
Siyempre, excited si Lovi sa malaking break na ito sa career, although pinauna niyang hindi niya makakayang pantayan o palitan ang accomplishments ng nasirang ama.
Bata pa raw siya’y pangarap na ni Lovi na maging Regal Baby at paborito niya si Maricel Soriano at ang pelikulang Underage.
Sa mga recent release ng Regal, type ni Lovi ang Blue Moon nina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Pauleen Luna.
Ayon naman sa manager ng singer na si Leo Dominguez, suggestion ni Mother na ibalik ang apelyidong “Poe” sa screen name ng alaga.
Contrary to rumors, wala naman daw conflict sa pagitan ni Lovi at ni Susan Roces, biyuda ni Da King, at civil sila sa isa’t isa.
“I’m happy with the way things are going,” sambit pa ng dalaga.
Sa parte naman ni Madera, parang may pinatatamaan ito nang sabihing, “I’m sure that this is the beginning of your life, of your career. I’m sure you won’t be a monster.”
May pinariringgan ka yata, Mother, paninita ng ilang writers sa lady produ. Nakangiting sagot nito, “Nagpaparinig ba ako? Naku, hindi, ah. What else is new?”

0 Comments:
Post a Comment
<< Home