Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: First baby ni Dennis may dalang suwerte

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, October 03, 2007

First baby ni Dennis may dalang suwerte

INAMIN na ng aktor na si Dennis Trillo na siya ang ama ng anak na isinilang ng beauty queen na si Carlene Aguilar. Malumanay ang pagkakasabi niya tungkol dito sa Showbiz Central at ayon sa kanya, ginusto ni Carlene na huwag aminin ang lahat kaya hindi rin niya ito agad i-namin sa publiko.

“Okey na ang lahat. Kung noon ay itinatanggi ko ang tungkol do’n, I welcome it now with open arms. Ako ang ama ng kanyang anak!” pahayag ni Dennis na isa sa mga bida sa fantaser-yeng Zaido ng GMA-7.

Blessing para ay Dennis ang pagdating ng kanyang first baby dahil nagkasunud-sunod din ang kanyang mga trabaho.

“Kaya nga sobrang laki ng pasasalamat ko sa GMA sa mga proyektong binibigay nila sa akin. I’m very grateful dahil hindi nila ako pinababayaan,” wika pa niya.

Na-identify din si Dennis noon kay Angel Locsin dahil ilang beses rin silang nagsama sa telebisyon. Sila ang pinakasikat na love-team noon sa bakuran ng Siyete. Ngayong nag-iisa na lang siya, kayanin kaya niyang maka-survive?

“Bakit naman hindi?” buwelta nito sa amin. “In fact, mas dumami pa akong project ngayon kahit wala na siya!” reaksyon agad niya.

“Wala namang nagbago, eh! Ganu’n pa rin lahat. Marami pa rin naman akong trabaho dahil may mga nagtitiwala pa sa akin,” wika pa niya.

“Kumbaga, alam nila kung paano ako magpahalaga sa trabaho ko kaya siguro sila nagtitiwala sa akin. Kasi kung hindi ko mahal ang work ko, hindi rin naman ako tatagal sa showbiz,” diin pa uli ni Dennis.

Speaking of Zaido, ito ay base sa sikat na cartoon program na Shaider noong 80’s. Siya ay isang dugong mandirigmang nakapokus sa malawakang pananakop ni Le-Ar (played by Jay Manalo), ang hari ng mga Kuuma. Bale si Dennis ang pinakalider ng Zaido rito.

“Bago namin simulan ang eksena, katakut-takot na workshop muna ang ginawa ko, lalo’t pagdating sa stunts at paghawak ng armas, eh, hindi pa ako gaanong bihasa.

“Medyo mahirap din yung suot naming costume. Kita n’yo naman, naging isyu pa ‘yon nung presscon namin,” balik-tanaw pa niya.

Bukod kay Dennis, kasama rin sa cast ng Zaido sina Lorna Tolentino (bilang Helen), Jay manalo (Drigo at Lea-Ar), Tirso Cruz 111(Ramiro), Raymart Santiago (Alvaro), Ian de Leon (Kumander Zion), Diana Zubiri(Carmela), Dion Ignacio (Thor), Lovi Poe (Mona), Iwa Moto (Amasonang Itim), LJ Reyes (Amasonang Lila), Melissa Avelino (Amasonang Rosas), Arci Munoz (Amasonang Puti) at Vanessa del Moral (Amasonang Kahel).

Sina Marky Cielo at Aljur Abrendica ang da-lawa pang Zaido na kasama ni Dennis bilang bida.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...