Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Assunta pinalitan ni Sunshine

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, October 02, 2007

Assunta pinalitan ni Sunshine

Kasama na sa cast ng Dagaw si Sunshine Dizon. Ipinalit siya kay Assunta de Rossi, na napanood pa naming um-attend ng storycon ng movie na line-produced at directed ni Chito Roño sa GMA Films. Hindi namin alam kung bakit pinalitan si Assunta ni Sunshine, pero, bibigyan ito ng ibang project ng movie company.

Tuwang-tuwa si Sunshine nang malamang gagawa siya ng pelikula dahil last siyang napanood sa Mulawin: The Movie.

Nakapagpahinga na ito ng ilang linggo at ready nang sumabak sa trabaho. First movie niya ito sa GMA Films at first time makakatrabaho sina Marvin Agustin, Paolo Bediones, Richard Gutierrez at Direk Chito.

Inaayos na ang schedule ni Sunshine dahil magsasabay ang shooting niya at taping ng La Vendetta (ito na ang final title) dahil mas mauuna itong umere sa Kamandag.

Kinunan na raw ang promo plug nito noong Sunday.

Isa pang sorpresa ng Dagaw ay join na sa cast si Dingdong Dantes, pero ibang role na at hindi ang role ni Thomas na unang in-offer sa kanya at napunta kay Marvin.

Matutuloy din ang unang pagsasama nila sa pelikula ni Richard.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...