Bing Loyzaga, inilayo kay Cristine
Buhos man ang malakas na ulan ay hindi ito naging dahilan para ma-delay ang taping ng sinenobelang Kung Mahawi Man Ang Ulap na magkakaroon ng extension.
Dinatnan namin sa taping si Bing Loyzaga na nakakuha ng bakanteng oras sa taping niya ng Marimar kung saan magka-tandem sila ni Jestoni Alarcon.
Tinupad lang daw ng aktres ang pangako niyang bisitahin ang EP ng programa na si Camille dahil matagal din nilang nakatrabaho si Bing sa successful na Sinasamba Kita.
Isang gabing dinalaw namin ang taping ng Marimar ay dinatnan namin si Bing na kinukunan ni Direk Mac Alejandre kaeksena si Jestoni Alarcon. Pagkatapos ng taping ng kanyang eksena ay biglang nawala si Bing. Akala namin ay umuwi na siya.
‘Yun pala ay inilagay siya sa isang kuwarto sa dulo ng hallway ng isang hotel ng mga production staff dahil kukunan naman ang mga eksena ni Cristine Reyes.
Natawa na lang si Bing nang malaman niya na iniiwas pala ng production crew na magtagpo ang landas nina Bing at Cristine.
Matatandaan na nagkaroon ng tsika na may ugnayan ang asawa ni Bing na si Janno Gibbs at si Cristine.
Natawa si Bing dahil wala naman daw alitan sa pagitan nila ni Cristine, at okay sila at nag-uusap. Naloka ang mga production people nang malaman nila ito.
***
Sa pakikipagtsikahan namin, napag-usapan ang desisyon ni Dennis Trillo na aminin ang anak niya kay Carlene Aguilar sa Showbiz Central.
Kaya raw pala parang malungkot o balisa ang aktor sa set ng Kung Mahawi Man Ang Ulap na animo’y may halong pag-alala o pangamba sa gagawing rebelasyon.
Gaya ng aming palagay ay naniniwala ang marami na walang masama o magiging epekto sa pagkatao ni Dennis kung inamin na niya ito noon pa.
Unang-una ay lalaki siya at sa edad niyang iyon ay hindi na ito makaaapekto. Narating na niya ang mataas na estado bilang artista at mahirap na siyang matinag sa galing niyang umarte at humakot ng awards.
Siyempre, sa una lang may mga pipitik pero sa bandang huli ay mawawala rin iyon at pananabikan pa ng marami na maki-
ta ang panganay ni Dennis.
Tuloy ang pagsisikap at trabaho ni Dennis sa Kung Mahawi Man Ang Ulap at as bagong telefantasya na Zaido, Pulis Pangkalawakan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home