Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Dennis Trillo, Daddy Na!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, October 01, 2007

Dennis Trillo, Daddy Na!

Pinakamalaking istorya kahapon ng Showbiz Central ang pag-amin ni Dennis Trillo na siya ang ama ng isinilang na anak ni Carlene Aguilar sa Amerika.

Kahit alam na ng halos lahat na aamin si Dennis ay inabangan pa rin ang nasabing admission mula mismo sa bibig ni Dennis.

Ipinaliwanag ni Dennis na nu’ng magpunta ng Amerika si Carlene ay may kasunduan sila na mananahimik siya at hindi na niya ito pag-uusapan sa kanyang mga interview kaya ‘yun ang ginawa niya bilang respeto kay Carlene.

Akala ni Dennis ay matutuldukan na ang isyu nu’ng itanggi ni Carlene kay Lhar Santiago na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito, pero muli itong nabuhay nang isilang ang sanggol (na Calyx Andrea raw ang pangalan) na ang tunay na apelyido ni Dennis na ‘Ho’ ang nakalagay sa wrist tag nito.

"Nararapat lang na gamitin niya ‘yung apelyido ko dahil baby ko naman ‘yun, eh!" diretsong pag-amin ni Dennis, na halatang nakahinga nang maluwag dahil wala na siyang dapat pang pagtakpan sa publiko.

Ayon kay Dennis, ibibigay niya ang lahat ng suporta sa nasabing bata at walang magiging problema dahil haharapin niya ang lahat ng responsibilidad niya rito.

Hindi raw niya ito tatalikuran dahil itinuturing niyang blessing ang pagkakaroon ng anak.

Inamin niya ring mga 4 to 5 years silang naging magkarelasyon ng dating beauty queen na nagsimula bago pa siya lumipat ng GMA.

Sa tanong kung nobya niya pa rin hanggang ngayon si Carlene, ang sagot ni Dennis ay medyo malabo raw ang sitwasyon ngayon at kumplikado.

Bilang magulang ng bata ay makikipag-ayos daw si Dennis sa parents ni Carlene.

"Hindi ko siya pababayaan, anak ko ‘yon, eh!" bulalas pa ng aktor.

Pakiramdam ni Dennis ay magkakaroon na siya ng peace of mind sa ginawa niyang pag-amin. Isa pa ay alam niyang hindi niya ito maitatago habambuhay.

Isa kami sa natutuwa sa ‘pagpapakalalake’ ni Dennis once and for all dahil hindi namin alam noon kung maiinis kami o maaawa sa kanya kapag naiirita siya tuwing kinukulit namin siya hinggil sa pagbubuntis ni Carlene.

Kahit alam naming hindi naputol ang relasyon nila ni Carlene at sila pa rin hanggang nu’ng lumipad ito pa-Amerika ay pinagbigyan namin ang mga denial ni Dennis dahil alam naming lalabas at lalabas din ang katotohanan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...