Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Kris, babanggain nina Paolo at Rufa Mae

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, October 03, 2007

Kris, babanggain nina Paolo at Rufa Mae

Kung limpak-limpak na salapi at papremyo ang hanap, siguradong wala nang mas sasaya pa sa pinakabagong game show sa telebisyon, ang Whammy! Push Your Luck!

Handog ng GMA Network mula sa Fremantle Media, ang foreign company na naghatid ng worldwide hit TV shows tulad ng American Idol at The Apprentice, at ng pinakatanyag na game shows tulad ng The Price is Right at Family Feud, ang pinakamatinding subukan ng suwerte sa telebisyon.

Samahan sina Paolo Bediones at Rufa Mae Quinto sa pagbubukas ng Whammy! Push Your Luck! sa Lunes, Oktubre 8, bago mag-24 Oras, katapat ng Kapamilya, Deal or No Deal ni Kris Aquino sa ABS-CBN 2.

So, next week, banggaang Paolo-Rufa Mae at Kris ito! But knowing these three, open sila sa healthy competition. The more, the merrier, ’ika nga.

Samantala, may mga salitang dapat malaman para ma-gets ang laro. Ang “spin” ay isang turn o pagkakataong maglaro sa Big Board. Ang “Big Board” naman ay punung-puno ng pera, mga premyo at ang nakatagong Whammy.

Iikot ang mga ilaw sa Big Board at para itigil ito, kailangang i-push ng player ang button at sumigaw ng “stop!” Kung cash o papremyo ang na-hit ng player, madaragdag ito sa naipon niya. Pero ang Whammy ang dapat katakutan, ingatan, at ilagan dahil kapag ito ang nataon sa player, lalabas ito at uubusin ang lahat ng premyong naipon niya.

Para manalo, magkakasubukan ng suwerte ang tatlong masusuwerteng studio contestants sa tatlong round ng laro. Sa Round 1, paramihan ng pera ang magaganap. Mag-i-spin ang bawat player para makaipon ng cash prizes hanggang sa matapos ang round.

Pwede rin silang mag-freeze ng round kung okay na sa kanila ang naipon nilang premyo para dalhin sa final round. Habang naglalaro ang players ng Round 1, patuloy na nadaragdagan ang mga Whammy sa Big Board.

Ang may pinakamaraming naipon na cash at prizes sa Round 1 ang huling maglalaro sa final round.

Sa Round 2, paramihan naman ng spin na gagamitin sa final round, at magagawa ito sa pamamagitan ng pagsagot ng trivia questions. Magtatanong ang host, at kailangang mag-buzz-in ang players para sumagot.

Kung tama ang sagot ng unang nag-buzz-in, tatlong spin agad ang mapapanalunan niya. Makasasagot din ang dalawa pang players sa pamamagitan ng multiple choice.

Kapag nasagot nila nang tama ang tanong, magkakaroon din sila ng tig-isang spin. Kapag mas maraming spin, mas malaki ang pagkakataong manalo ng malaking papremyo sa final round.

Mas malaki na ang nakataya sa final round dahil mas malaki na ang mga papremyo. Pero mas malaki rin ang pagkakataong matalo, dahil Extreme Whammies na ang nakatago sa Big Board.

Dito gagamitin ng mga player ang spins na naipon sa naunang round sa isang matinding labanan para sa cash at prizes.

Puwede rin nilang ipasa ang spins sa kanilang kalaban, kung nakikinita nilang Whammy ang sunod na bubulaga sa Big Board.

Sa pagtatapos ng Final Round, ang player na may pinakamalaking total ng cash at prizes ang tatanghaling Big Winner.

Para makasali sa Whammy! Push Your Luck!, i-text ang play sa 4627 para sa Globe, TM at Sun Subscribers, at 367 para sa Smart at Talk ’N Text subscribers.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...