Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Dennis Trillo, Michael V, Ogie Alcasid and more Kapuso TV shows nominado sa 2007 Asian TV Awards

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, October 02, 2007

Dennis Trillo, Michael V, Ogie Alcasid and more Kapuso TV shows nominado sa 2007 Asian TV Awards



Gusto naming i-congratulate si Dennis Trillo dahil bukod sa isa na siyang ganap na ama ay nominado siya sa kategoryang Best Drama Performance by an Actor sa 12th Asian Television Awards (ATA) na gaganapin sa Singapore.

Napansin ng ATA ang madamdaming pagganap ni Dennis sa Lenten special na ‘Unico Hijo’ na prinodyus ng APT Entertainment.

Bading ang papel ni Dennis sa nasabing Lenten presentation na idinirek ni Jun Lana at ipinalabas nu’ng Sabado de Gloria sa GMA-7.

Wala pa kaming kopya ng final shortlist ng mga nominado sa Asian TV Awards this year kaya hindi pa namin alam kung sinu-sinong makakatunggali ni Dennis.

Harinawang suwertehin si Dennis sa ginawa niyang pag-amin na anak niya ang isinilang na sanggol ni Carlene Aguilar.

Malalaman natin kung ‘lucky charm’ ba ang baby niyang si Calyx Andrea kapag nanalo si Dennis sa ATA 2007 na gaganapin sa Nobyembre 29 sa Suntec Convention Hall sa Singapore.

Ang isa pang alam naming nominado this year ay si Ms. Gina Pareño (Best Drama Performance by an Actress para sa ‘Rehas’ episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN). Nakakuha rin ng nominasyon ang Kapamilya network sa mga kategoryang Best News Program (TV Patrol World at Bandila) at Best Game Show or Quiz Program (Pilipinas: Game Ka Na Ba?).

Mas maraming nakuhang naminasyon ang Kapuso network: Best News Program (24 Oras), Best Social Awareness Program (Emergency at Philippine Agenda), Best Infotainment Program (Kapuso Mo, Jessica Soho) at Best Current Affairs Presenter (Makki Pulido at Jiggy Manicad ng Reporter’s Notebook).

Nominado rin ang magkaibigang Ogie Alcasid at Michael V. sa Best Comedy Performance by an Actor para sa longest-running gag show ng GMA na Bubble Gang. Si Michael V. ang nagwagi nito nu’ng 2005 at 2006.

29 awards ang ipamamahagi ng ATA sa taong ito na nahahati sa tatlong kategorya (programme, performance at technical categories). Apat na miyembro ng Panel of Judges this year ang nagmula sa Pilipinas -- Ms. Jessica Soho at Ms. Nessa Valdellon ng GMA network at Ms. Cecilia ‘Cheche’ Lazaro at Mr. Laurenti Dyogi ng ABS-CBN.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...