Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Mart and Jenica

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, October 02, 2007

Mart and Jenica

Tuloy ang ligaya sa Boys Nxt Door sa pangalawang season nito. Dinalaw namin ang taping nito sa Kidzworld (Dasmariñas, Cavite) at napakaganda ng lugar na bagong bukas lamang.

Kahit tag-ulan ay parang summer episode ang kinukunan doon ng mga bagets.

Contrary sa previous tapings ay hindi namin nakitang sweet sa isa’t isa sina Jennica Garcia at Mart Escudero.

Siguro, ayaw nilang makita ng mga press na naroon noong hapong iyon ang kanilang paglalambutsingan.

Nag-deny si Mart tungkol sa condom isyu pero naniniwala kaming totoo ‘yun dahil reliable ang nakuha naming impormasyon.

Sa bersyon ni Mart ay sinabihan lang daw siya ni Jean na mag-behave at asikasuhin ang trabaho bago lovelife.

Sabi ni Jennica ay hindi pa raw sila on ni Mart at nanliligaw pa lang daw ito.

Ganun? ‘Yung mga nakita namin ay panliligaw pa lang? Oh, well.

Marami namang nag-agree kay Jean Garcia sa diumano’y advice nito kina Mart at Jennica.

Dapat nga, hindi itinatago nina Mart at Jennica ang tunay na relasyon nila. Makakatulong iyon sa loveteam nila sa Pasan Ko Ang Daigdig at Boys Nxt Door, at sa pelikula nilang Hide and Seek.

Eh di ba, naudlot ang panliligaw ni Mart kay Kris Bernal?

Ayon kay Kris Bernal, malapit na niyang sagutin si Mart. Kaso, pumasok si Jennica sa buhay ni Mart.

Sey pa ni Kris Bernal, okay naman daw sila nina Mart at Jennica. Walang problema o tension sa pagitan nila.

***

Hindi natuloy ang panliligaw noon ni Aljur Abrenica kay Kris Bernal dahil kay Mart Escudero.

Ngayon ay sina Aljur at Kris ang pinagtatambal. Mukhang nabubuo muli ang pagtingin ni Aljur kay Kris.

Destiny na lang daw kung sila ang magkatuluyan.

Kinikilig naman ang Kris Bernal na mukhang may pagtingin din sa hunk ng Starstruck.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...