Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.
SIGURADONG dudumugin ng fans at supporters ang Marikina Sports Park ngayong Sabado dahil sa araw na ito ang pinakaaabangang 57th anniversary special ng GMA-7, ang kauna-unahang engrandeng sports fest ng mga Kapuso stars - ang Kapusolympics. Tampok ang naglalakihang mga bituin ng Kapuso network, panoorin ang inyong paboritong Kapuso stars sa isang naiibang selebrasyon na puno ng laro, aksyon at kasiyahan mula umaga hanggang gabi.
Ang kaabang-abang na Kapusolympics ay magsisimula sa isang motorcade simula sa GMA compound sa Timog Ave. na dadaan sa iba’t ibang major tho-roughfares tulad ng E. Rodriguez, Araneta Ave., Aurora Boulevard, A. Bonifacio hanggang sa makara-ting sa Ma-rikina Sports Park.
Hatid ang anniversary theme na Kapuso sa Bawat Hamon at Tagumpay, ang motorcade ng Kapusolympics at float parade na may anim na celebirty teams ay pangungunahan ni Makulay (Alfred Vargas).
Si Makulay ang torchbearer ng Kapusolympics na sumisimbolo sa pagkakaisa ng GMA stars bilang isang team.
At sa pagdating ni Makulay sa Marikina Sports Park, ipapasa niya ang torch sa champ boxer na si Manny Pacquiao na siyang tatakbo sa stage bilang panimula ng Kapusolympics.
Kasunod nito ay isang engrandeng opening ceremony na hudyat ng isang araw ng kasiyahan at maaksyong Kapusolympics games at activities.
Siguradong magi-enjoy ang fans at supporters ng mga artista na pupunta sa Marikina Sports Park dahil kakaiba ang games na lalaruin ng kanilang mga paboritong Kapuso stars tulad ng Human Post Relay, Pies to Face, Fin Race, Oil Spell, Pase Pie, Pool Relay, Kapuso Word Puzzle Pool, Tag of War, at Giant Soccer.
Magkakaroon din ng musical production numbers para sa mas lalong sumaya ang Kapusolympics.
Magtatapos ang 57th anniversary special ng GMA-7 sa isang awarding cere- mony at engrandeng fireworks display na susundan nang walang humpay na victory party.
Huwag palampasin ang bihirang pagsasama-samang ito ng maniningning na Kapuso stars at kauna-unahang engrandeng sports fest na 57th anniversary celebration special ng GMA-7, ang Kapusolympics ngayong Sabado, ika-8 ng umaga sa Marikina Sports Park.
Angel Locsin’s loss is Marian’s gain as GMA gave her the coveted role that made Thalia a superstar, ang Mexican tele novela na Marimar na gagawan ng Pinoy version.
In-announced ito last Wednesday night sa 24 Oras. Today ang story conference ng Marimar to be directed by the nagbabalik Kapuso na si Joyce Bernal.
Makakasama ni Marian si Dingdong Dantes who will play Sergio at ito rin ang pagbabalik acting ni Richard Gomez who had to rest from showbiz early this year as he decided to run for a senatorial seat.
Hindi pa kumpleto ang cast as of this writing but another hunk who will be part of the new soap of GMA is Mike Tan playing a new character na wala sa Mexican version of the soap.
Ang hinahanap pa, ang aso ni Marimar na si Fulgoso.
MAY bagong barkadang susubaybayan ang mga ma-nonood linggu-linggo sa pagbubukas ng pinakabong teen-oriented weekend program na Boys Nxt Door na kabilang sa mga espes-yal na paghahandog ng GMA Network sa month-long celebration ng ika-57 anibersaryo nito ngayong buwan ng Hunyo.
Simula sa Hunyo 24, matutunghayan na ang ma-kulay na buhay ng isang grupo ng kabataan na pi -nagtagpu-tagpo ng kani-lang mga tadhana. Gaganap bilang magkakapatid sina Marky Cielo bilang Bu-boy, Aljur Abrenica bilang Migs, Mart Escudero bilang Atom, Justine Plummer bilang Jiro at Eunice ‘Char-ming’ Lagusad bilang Nikki.
Magtatagpo lang ang landas ng magkakapatid sa pagkamatay ng kanilang ama. Buong buhay ni Buboy ay inakala niyang nag-iisa lang siyang anak, kaya la-king gulat niya nang ihabilin ng kanyang ama, bago ito mamatay, na marami siyang mga kapatid sa iba’t ibang babae. Nangako naman ang ina ni Buboy na hahanapin ang magkakapatid at sisiguraduhing mabuti ang lagay nila.
Mahahanap ng ina ni Buboy (Rio Locsin) ang magkakapatid at patitirahin sa kani-lang bahay. Pero kinailangan nitong mag-abroad para suportahan ang lumaki nitong pamilya kaya maiiwan ang malaking responsibilidad kay Buboy na alaga-an ang kanyang mga kapatid bilang pinakapanganay sa lahat.
Sa simula ay hindi magiging madali kay Buboy ang pakisamahan ang mga kapatid dahil iba’t iba ang personalidad ng mga ito. Rebelde at seryoso si Migs, makulit at palabiro si Atom, genius naman si Jiro at pa-mature naman ang pet-loving nilang bunso at only girl na si Nikki. Makakasama nila sa bahay ang kanilang tiyuhin na si Badong (Benjie Paras) na tatayong guardian nila pero mas alagain pa ng mga pamangkin niya dahil masyadong clumsy at accident-prone.
Magiging close din ang magkakapatid sa mga tao sa ladies’ dormitory sa ta-pat ng bahay nila na pag-a-ari ng masungit at istriktong landlady na si Miss Malinis (Janice de Belen) , isang ma-tandang dalaga na terror teacher din. Pinag-aaral nito ang kikay na pamangking si Coffee (Kris Bernal) na magiging close - at madi-deve-lop-kina Migs at Atom.
Si Buboy ay magiging close din sa boarder na si Sari (Glaiza de Castro) na best friend pala ng kaniyang girlfriend na si Isabel (Stef Prescott). Maging ang bestfriend ni Buboy na si Decdec (Kiko Junio) at ang barka-dang si Milo (Jesi Corcuera) ay maiipit din sa love triangle kasama ang beauty queen bombshell na si Winona (Rich Asuncion).
Mapapanood ang Boys Nxt Door tuwing Linggo, simula Hunyo 24, pagkatapos ng MOVE! The Billy Crawford Search for Pinoy Dancers sa GMA.
“LUMAKI na ba talaga ang ulo ko?” ang tila nanlulumong tanong ni Angel Locsin bunga ng naglalabasang balita na tinanggihan niya ang alok na Marimar ng home studio na GMA-7.
Medyo naiiyak pa niyang inamin na bothered siya sa impresyong unti-unti na siyang nagiging “monster” dahil sa naging desisyon.
Hindi naman daw niya tinanggihan ang nasabing pryoekto, hindi lang mag-meet ang schedule niya at ang taping dates.
May lumabas ding tsika na never itong inalok kay Angel kaya nagpa-audition ang istasyon.
Sa totoo lang, marami na kaming naririnig na kuwento na kesyo mahirap nang kausap si Angel at kung tatawagan nama’y ang manager na si Becky Aguila ang laging sumasagot sa cellphone ng aktres.
Nu’ng minsan, naringgan pa raw si Angel na nag-dialogue ng, “Pagod na akong magtrabaho!”
Lalo pang lumala ang scenario nang magdesisyon itong magpahinga ng dalawang buwan sa showbiz para mag-aral ng fashion designing sa London.
Ito’y sa kabila nga ng alok na gawin ang Marimar ng Siyete.
Sa presscon ng Eagle Eye Productions’ trilogy movie na Angels, kinumpirma ng aktres na totoong pupunta siya sa London next month. Pagbalik niya, agad na sisimulan ang proyekto opposite Dennis Trillo sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.
Hindi lang kami sure kung iba ito sa sinasabing sisimulan nina Dennis at Judy Ann Santos sa Regal.
“Wala na akong contract sa GMA, hindi na rin ako co-managed ng Artist Center. Pero sa pagkakaalam ko, walang bad blood sa amin (ng GMA-7),” ani Angel.
Para na raw niyang nanay ang Kapuso execs na sina Wilma Galvante, Redgie Magno atbp., dahil ito nga ang mga humubog sa kanya bilang aktres.
“Alam ko naman itong pinasok ko, so bakit ko gugustuhing magpahinga? Aaminin ko, nu’ng una, pinasok ko ang showbiz dahil sa kita, para makatulong sa pamilya ko. Pero ngayon, mahal ko na ’to. Hinding-hindi ko iiwan ang showbiz.
“Mahal ko si Mother Lily. Nai-inspire nga ako sa pagmamahal niya sa industriya, kaya eto, kahit paano’y tumutulong akong buhayin ang pelikula (by producing Angels). Pero, apat na soap na magkakasunod na ang ginawa ko, gusto ko lang magpahinga.
“Hindi ako monster at hindi rin lumaki ang ulo ko. Masakit, kasi ginawa ko naman ang lahat. ’Pag sinabi nilang tumambling ako, tuma-tumbling ako, ’pag sinabing pumunta ako sa ganitong show, pumupunta ako. Eto nga o, nagkapasa-pasa na ako sa mga pinaggagagawa ko,” pahayag ni Angel, sabay lilis sa maong pants para ipakita sa press ang mga pasa sa binti.
Masaya raw siya kung totoong si Marian Rivera na ang napiling gumanap sa papel ni Marimar under Direk Joyce Bernal.
“Okey naman si Marian, eh,” susog pa nito.
Hindi raw siya puwedeng magsisi sakali mang maungusan ng alaga ni Popoy Caritativo, dahil choice niyang mag-aral muna.
Aware raw si Angel na hindi puwedeng mapasa-kanya ang lahat.
The GMA Network is celebrating its 57th year in the broadcast industry and to celebrate the big event, GMA is holding a sports competition ala Olympics and Alfred Vargas has been designated as torch bearer of this event. The award-winning actor is doing the rounds of various GMA shows as the character Makulay, to promote the sports event that is happening on June 30. “ Para akong mascot ng GMA 7. I wear a costume (jacket and jogging pants, with the GMA 7 emblem) designed by Eric Pineda. I feel privileged that I was the one picked to be Makulay. When Nanay Lolit (Solis, his manager) told me I was picked, I readily said yes. It also entails sacrifice on my part because I have to adjust my schedule. I didn’t have second thoughts and I was honored to be chosen for the part,” says Alfred. “The torch bearer represents strength, unity, camaraderie and excellence of GMA network throughout the 57 years. Pinangatawanan ko na talaga ito.” With his acceptance to be the official GMA mascot, Alfred is sending a message that he’s a true-blue Kapuso star now. “Inaalagaan talaga ako ng GMA when I joined the network and for that I am very grateful. Siyempre, loyal na loyal na ako sa GMA,” says the actor.
SA isang day-long KapusOlympics magtatapos ang 57th anniversary ng GMA Network na gagawin sa Marikina Sports Park sa June 23. Si Alfred Vargas ang napiling torchbearer, siya si Makulay, na magli-lead sa parade ng eight celebrity teams sakay ng floats. Mula sa GMA Network hanggang sa Marikina Sports Park ang parade. Masaya ito’t puro Kapuso stars ang maglalaban sa iba’t ibang sports. Inaalam pa namin kung libre sa fans ang gagawing KapusOlympics.
Maricris Garcia of Caloocan City took home the grand prize of GMA-7's talent search Pinoy Pop Superstar, hosted by Asia's Songbird Regine Velasquez, held Saturday night, June 2, at the Araneta Coliseum.
Maricris won almost P4 million worth of prizes, which includes a house and lot from Avida Corp, an Informatics scholarship, PhP100,000 worth of services from the Belo Medical Group, and one million pesos in cash. She is also assured of a management contract from the GMA-7 Network and a recording contract from GMA Records.
Maricris now joins the league of Jonnalyn Viray and Gerald Santos, past winners of the popular singing contest of the Kapuso Network.
"Sobrang-sobrang happy, sobrang grateful... sobrang, hindi ko na alam ‘yong nararamdaman ko. Sobrang masayang-masaya!" Maricris gushed after the show.
Maricris, 19, credits her dad for her singing talent.
"My Dad used to be a singer noong binata pa siya. Siya talaga. Tapos na-train na lang ako sa mga lounge kasi I was a lounge singer before Pinoy Pop Superstar."
As the winner of the contest, Maricris said, "Expect more of me. Ayan, regular na sa SOP. And then, gagalingan ko pa and prove to everybody that I really deserve the title."
The Grand Showdown started with the nine finalists singing their choice of song that they recorded for the Pinoy Pop Superstar Album Year 3.
The first batch had Miguel Naranjilla performing Spandau Ballet's "Gold"; April delos Santos, her own version of Beyonce's "Listen"; and Maricris belting out "Beautiful Disaster."
The second group was composed of Louie Abaigar rocking to Bon Jovi's "You Give Love A Bad Name"; Jennie Escalada who performed a touching rendition of Whitney Houston's "All at Once"; and Bryan Termulo with his own version of "Kung Kailangan Mo Ako."
The last set of finalists were Joyce Tañaña singing "Alone", popularized by ‘80s all-female band, Heart; Marvin Gagarin who gave a soulful rendition of Stevie Wonder's "All Is Fair In Love"; and Fil-Am Jae Buensuceso who rounded up the eliminations with Lani Misalucha's "Bukas na Lang Kita Mamahalin".
The nine were further whittled down to the Top 4, with Maricris, Miguel, Bryan, and Joyce entering the semi-finals stage.
The scores were back to zero. Each semi-finalist had a pre-selected and prepared song: Maricris sang "As If We Never Said Goodbye" from the musical Phantom of the Opera; Miguel energized the crowd with "Vehicle"; Bryan crooned "Flying Without Wings"; and Joyce sang "Help."
They were judged based on star quality and musicality.
Aside from resident judges Danny Tan, Jaya, and Floy Quintos, also sitting in the panel of judges were talent manager Ronnie Henares and GMA-7's SVP for Entertainment, Wilma Galvante.
And then it came down to the Final Two.
The voice of Pinoy Pop Superstar host Regine Velazquez got drowned by the crowd as she announced Maricris and Bryan entering the Final Round.
The last showdown had the two singing their rendition of Barry Manilow's "One Voice." They were backed up by a band, a string ensemble, and the UP Concert Chorus.