Pacman dagdag-sigla sa Kapusolympics ng GMA-7
SIGURADONG dudumugin ng fans at supporters ang Marikina Sports Park ngayong Sabado dahil sa araw na ito ang pinakaaabangang 57th anniversary special ng GMA-7, ang kauna-unahang engrandeng sports fest ng mga Kapuso stars - ang Kapusolympics. Tampok ang naglalakihang mga bituin ng Kapuso network, panoorin ang inyong paboritong Kapuso stars sa isang naiibang selebrasyon na puno ng laro, aksyon at kasiyahan mula umaga hanggang gabi.
Ang kaabang-abang na Kapusolympics ay magsisimula sa isang motorcade simula sa GMA compound sa Timog Ave. na dadaan sa iba’t ibang major tho-roughfares tulad ng E. Rodriguez, Araneta Ave., Aurora Boulevard, A. Bonifacio hanggang sa makara-ting sa Ma-rikina Sports Park.
Hatid ang anniversary theme na Kapuso sa Bawat Hamon at Tagumpay, ang motorcade ng Kapusolympics at float parade na may anim na celebirty teams ay pangungunahan ni Makulay (Alfred Vargas).
Si Makulay ang torchbearer ng Kapusolympics na sumisimbolo sa pagkakaisa ng GMA stars bilang isang team.
At sa pagdating ni Makulay sa Marikina Sports Park, ipapasa niya ang torch sa champ boxer na si Manny Pacquiao na siyang tatakbo sa stage bilang panimula ng Kapusolympics.
Kasunod nito ay isang engrandeng opening ceremony na hudyat ng isang araw ng kasiyahan at maaksyong Kapusolympics games at activities.
Siguradong magi-enjoy ang fans at supporters ng mga artista na pupunta sa Marikina Sports Park dahil kakaiba ang games na lalaruin ng kanilang mga paboritong Kapuso stars tulad ng Human Post Relay, Pies to Face, Fin Race, Oil Spell, Pase Pie, Pool Relay, Kapuso Word Puzzle Pool, Tag of War, at Giant Soccer.
Magkakaroon din ng musical production numbers para sa mas lalong sumaya ang Kapusolympics.
Magtatapos ang 57th anniversary special ng GMA-7 sa isang awarding cere- mony at engrandeng fireworks display na susundan nang walang humpay na victory party.
Huwag palampasin ang bihirang pagsasama-samang ito ng maniningning na Kapuso stars at kauna-unahang engrandeng sports fest na 57th anniversary celebration special ng GMA-7, ang Kapusolympics ngayong Sabado, ika-8 ng umaga sa Marikina Sports Park.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home