Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Marian at Shaina, sinigawan ni Direk Joel!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 04, 2007

Marian at Shaina, sinigawan ni Direk Joel!

Nakatikim ng sigaw mula kay Direk Joel Lamangan sina Marian Rivera at Shaina Magdayao sa shooting ng Bahay Kubo, pero hindi dahil late sa shooting ang dalawa o hindi makuha ang eksenang gusto ng director.

Gusto lang ni Direk Joel na makatotohanan ang pagsasampalan at sabunutan nila kahit sa rehearsal pa lang.

Ni-rehearse ng dalawa kung paano darayain ang eksena at nakita ’yun ni Direk. Sinigawan silang gawing makatotohanan ang eksena or else, hindi sila magti-take.

No choice sina Marian at Shaina kundi totohanin ang sampalan at sabunutan, kaya nagkasakitan sila.

Pagkatapos noon, nagyakapan sila at naging daan para sila’y maging close.

Maganda rin ang feedback kay Marian sa Desperadas at pati si Mother Lily Monteverde’y natuwa sa kanya. Kering-keri raw nito ang role na mala-Tessa Prieto-Valdez.

Samantala, sa Marimar today, magpapaalam si Marimar kay Gustavo (Jestoni Alarcon) na titigil sa pamamasukan dahil nagkasakit ang anak na si Cruzita. Nag-offer si Gustavo na sa mansion na siya tumira at isama ang anak.

Noong sinusundo nila ang anak, nakita nila sa hotel si Sergio (Dingdong Dantes), pero bago pa ito malapitan, dumating si Angelika (Katrina Halili) at niyakap ang asawa.

* * *

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...