Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Bianca naiyak sa sampal ni Marian

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, October 12, 2007

Bianca naiyak sa sampal ni Marian

PARA lang sa programang Marimar ang nangyaring sampalan nina Marian Rivera and Bianca King.

Balitang napaiyak si Bianca over a scene na ginawa for their top-rating soap Marimar na by the way ay nakasampa muli sa 40 level ng rating last Tuesday.

That day, Marimar got 40.2 % so na-repeat nila ang 40 % noong Friday.

Anyways, sa isang eksena raw kung saan magpapang-abot ang dalawa, ni-request ni Direk Joyce Bernal na makatotohanan ang gawin nilang sampalan na pareho naman nilang ginawa.

Si Marian, sanay na sa ganitong eksena na kung matatandaan niyo, nawindang din doon sa una niya with Odette Khan for Muli. Eh, si Bianca raw, first time ito for her so napaiyak siya more on sa gulat.

Bago maging issue ang nangyaring sampalan nina Marian and Bianca, nag dinner na raw ang dalawa after the incident dahil friends naman sila. Isa na namang kaabang-abang na eksena ito sa Marimar, ha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...