Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Jen, walang muwang sa gap nila ni Becky

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, October 11, 2007

Jen, walang muwang sa gap nila ni Becky

Sa storycon ng Manila-West Side Story lang nagkita sina Jennylyn Mercado at Jacky Woo. Cute ang pagka-clueless ng dalawa sa isa’t isa.

Hindi kilala ng actress ang Japanese-Chinese actor, na ’di rin alam na singer ang dalaga. Kaya, ire-revise ang script at pakakantahin si Jen.

Kahapon nag-start ang shooting ng Forward Group to be directed by Jacky din. Maraming Japanese actors na kasama, gaya ni Yusuke Natsuki at kasama rin sina Paolo Paraiso, Mike Chan at Gabby Eigenmann. Ipalalabas din ang movie sa Japan.

Second indie film ito ni Jennylyn, na bumabawi sa rami ng projects sa TV at movies. Medyo nahihilo nga ito sa kanyang schedule dahil nagsimula na ang taping ng La Vendetta at kasama rin sila ni Mark Herras sa Joaquin Bordado na October 18 na ang storycon at one month siyang guest sa Bubble Gang.

Ayaw nang pag-usapan ni Jennylyn ang isyu sa kanila ng manager niyang si Becky Aguila.

Hinawakan nito ang braso namin para hindi na kami magtanong pa, pero sabi, noon lang uli sila nagkita, kaiba sa nabanggit sa aming nagkita sila the day before.

Wala rin daw siyang sinabing booking agent na lang ang manager at ’di niya alam kung may gap sila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...