Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Maxi-Peel Concealing Cream TVC With Marian Rivera and Kristine Hermosa

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, October 08, 2007

Maxi-Peel Concealing Cream TVC With Marian Rivera and Kristine Hermosa


Labas na kahapon ang TVC ng Maxi-Peel, una sa maraming product endorsements ni Marian Rivera at kasama niya si Kristine Hermosa.

Sila kaya ang na-blind-item na Kapamilya at Kapuso stars at pinag-uusapan sa advertising na hindi maganda ang pagtatrabaho? Sino kaya sa dalawa ang magsasalita sa isyung nag-attitude ang isa sa kanila?

Basahin n’yo uli ang lumabas na blind item at malalaman n’yo kung ano ang nangyari sa shoot ng TVC. Doon pa lang, malalaman na kung sino ang naging problema sa shoot.

Next month, may lalabas pang endorsement si Marian na bawal pa ring sabihin kung ano at isang Kapuso at Kapamilya talent uli ang makakasama niya.

Pagkatapos nito, may lalabas pa siyang solo endorsement, kundi November ay sa December na, at ito ang pinakamalaki niyang endorsement at talent fee.

Ipinagpapasalamat ni Marian sa Marimar ang pagdating ng endorsement offers na siguradong madaragdagan pa habang umiere ang telenovela.

Pati nga pelikula in-demand na rin siya at naglalagare sa Desperadas at Bahay Kubo.

Samantala, another week na naman ng Marimar ang mapapanood. Bulilyaso ang pagkikita nina Marimar at Sergio (Dingdong Dantes) dahil umeksena si Angelika (Katrina Halili).

Bukod doon, pinahihirapan din siya si Esperanza (Bing Loyzaga).

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...