Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Assunta, back again sa Dagao!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Friday, October 05, 2007

Assunta, back again sa Dagao!

Hindi basta papayag si Annabelle Rama na mawala sa cast ng pelikulang Dagaw ang alaga niyang si Assunta de Rossi.

Noong unang lumabas ang balitang pinalitan na ni Sunshine Dizon si Assunta sa pelikulang pagbibidahan ng anak niyang si Richard Gutierrez, nag-react kaagad si Bisaya.

Pero nang makausap ko uli ang nanay ni Richard, sinabi niya sa akin na hindi tuluyang nawala sa Dagaw si Assunta.

"Ang alam ko, wala na ‘yung mga eksena ni Assunta sa island, pero hindi siya tuluyang nawala sa cast ng Dagaw. Hindi raw kasi magtugma ang schedules ng mga artista, kaya wala na yata ‘yung mga eksena sa island," pahayag ni Bisaya.

Nasa Los Angeles, California ngayon si Bisaya at hindi niya masyadong ma-enjoy ang kanyang bakasyon dahil may entertainment press nangungulit sa kanya tungkol sa isyu ni Assunta sa Dagaw.

Kung hindi tuluyang nawala sa cast ng Dagaw si Assunta, wala na sigurong dapat ipaliwanag pa si Bisaya.

***

Noong Miyerkules ay umalis papuntang Los Angeles, California si Richard Gutierrez.

Ilang araw na magbabakasyon sa Amerika si Richard dahil nandoon din ang kanyang nanay at tatay at tatlong kapatid.

Manonood din si Richard at ang kanyang pamilya ng boxing fight nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera.

Makikipagkita rin si Richard sa mga kaibigan niya sa L.A.

Babalik kaagad ng ‘Pinas si Richard para sa taping ng Kamandag at shooting ng Dagaw

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...