Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Ogie Composed Theme Song of "Ysabella"... Yeng big fan of Kapuso Stars

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, July 16, 2007

Ogie Composed Theme Song of "Ysabella"... Yeng big fan of Kapuso Stars

SI Ogie Alcasid pala ang may likha ng napakagandang theme song ng Ysabella. Ito ang napag-alaman namin mismo kay Yeng Constantino, ang grand winner ng PDA na siyang kumanta ng naturang theme song. “Big fan po ako ni Ogie Alcasid, kaya pinagbuti ko po talaga ang pagkanta ng composition niya,” tsika ng mas gumanda at mas pumayat na 18-year old PDA winner.Next week ay muling aalis ng bansa si Yeng Constantino para sa series of shows nila nina Jay-ar Siaboc, Ronnie Liang, RJ Jimenez, at Rosita Bareng sa USA. Nakatakda silang mag-show sa Guam, LA, at ilan pang malalaking cities sa Amerika na tatagal ng mahigit tatlong linggo. Kakaibang excitement daw ito para kay Yeng. Wish niyang huwag malagyan ng intriga ang muling pag-a-rangkada nila sa US dahil ‘medyo nakaka-paranoid po ang mga tsismis na negative. “Sana po ay wala ‘yung gaya ng dati,” tsika nito.

SPEAKING of compositions, may bagong likhang-kanta si Yeng at naisulat niya ito because nag-away sila ng kanyang friend dahil sa isang pu-sang gala.Wala naman daw direktang kinalaman ang nasa- bing kanta sa pusa, “pero yung emosyon po, grabe,” paliwanag nito sa likhang awit ni-yang Di Na Ganun.Naitanong namin kay Yeng kung sinadya ba ni-yang baguhin ang istilo ng kanyang pagkanta dahil marami ang nakapunang sa pag-awit niya ng Ysabella theme song ay halos kadikit ng boses niya ang istilo ni Sarah Gero-nimo.“Marami nga po ang nagsasabi na iba raw ang atake ko sa kanta. Paano po naman, na-pakaganda talaga ng awitin at dahil si Ogie Alcasid ang may likha, talagang kinarir ko po na ayusin (ang pagkanta),” paliwanag pa ng dalaga.Isa pala sa favorite singers (composer) ni Yeng si Ogie at dahil naawit na niya ang isa sa mga likha nito, “sana ay may kasunod pa. Although kala-bisan na po, wish ko na makatrabaho sana ang isang tulad niya in the future,” hirit pa nito.Ang dalawa pang Kapuso talents na sobrang iniidolo raw ni Yeng pagdating sa kantahan ay sina Regine Velasquez at Kyla. “Naku, lagi ko pong kinakanta’ yung first single ni Kyla. Ang galing niyang bumirit, simple pero madiin’ ika nga. Nakaiiyak siyang kumanta. At sino ba naman ang hindi hahanga sa isang Regine? Hay,” ang tila fan na pagbabahagi ng emosyon ni Yeng.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...