Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Anne, babalik sa Siyete?

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, July 16, 2007

Anne, babalik sa Siyete?

ANO kaya ang reaction ni Anne Curtis sa kumakalat na balitang siya ang dating young star na sinasabing nagsimula at sumikat sa GMA-7, lumipat sa ABS-CBN at ngayon ay balak bumalik ng Siyete? Kapansin-pansin daw kasing kahit sumikat din si Anne sa Dos, biglang huminto ang kanyang kasikatan. Pagkatapos ipagkatiwala sa kanya ng Kapamilya Network ang mga seryeng Kampanerang Kuba, Maging Sino Ka Man, May Minamahal, hindi pa siya binibigyan uli ng solo project na lalong magpapaangat sa kanyang estado bilang artista. Maaaring i-deny ito ni Anne at ng mga nangangalaga sa kanyang career, pero talagang malakas ang tsismis na lilipat ang mestisang young actress kapag nag-ober da bakod si Angel Locsin sa Dos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...