Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Showbiz Central Beats The Buzz for Three Weeks Straight!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, September 04, 2007

Showbiz Central Beats The Buzz for Three Weeks Straight!

TATLONG linggo nang tinatalo ng Showbiz Central ang The Buzz.

Mas maganda siguro kung pag-aralan ng The Buzz kung ano’ng meron ang kanilang kalaban para mabawi nila ang “korona” sa pagiging No. 1 show.

Kung hihingan kami ng suggestion, mas maganda siguro kung “’wag mabibigat” ang isyung tinatalakay.

May instances din kasi na mababaw naman ang isyu, pero pinabibigat ng scoring o ng voice-over.

Have you experienced watching both shows na palipat-lipat kayo? Na nagkakaroon kayo ng feeling na parang ang bigat-bigat na ng feeling at hapon n’yo nang sandaling ’yon?

Dapat may breaker. Dapat may breather. Masarap ding manood ng katsipan, ’di ba? Masarap manood ng novelty. Pampagaan. Pambalanse sa mabigat ng talakayan.

Kung anuman ang aming tinutukoy na “pampagaan” o “katsipan” na magsisilbing breaker o breather na magpapangiti sa atin sa hapon, ’yung hindi nanenensiyon.

Alam namin, kayang-kaya ’yan ng The Buzz. Juice ko, mahuhusay ang writers nila. Alam namin, hindi puro issue lang ang alam nilang talakayin at isulat.

Kaya rin nilang gumawa ng novelty, tulad noon ni Rondel Lindayag, na nagku-compose pa ng mga awitin para lang ikunek-konek ang mga isyu sa nakaaaliw na paraan.

Si Rondel Lindayag ay creative manager-consultant for teleserye.

Sino kaya ang makaka-duplicate no’n sa The Buzz?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...