Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Paliwanag ng Dos, kinontra ni Willie!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, September 04, 2007

Paliwanag ng Dos, kinontra ni Willie!

UMAGA pa lang, mabilis nang kumalat ang balitang nag-file ng leave of absence ang Wowowee host na si Willie Revillame sa hindi malamang kadahilanan. Ayon sa isang source, itutuloy na ng komedyante ang pagbabakasyon hanggang Biyernes (Sept. 7), kung kelan nakatakda siyang umalis patungong Las Vegas para sa isang show with fellow ABS-CBN talents.

Ang balita pa, nakipag-meeting ito with Channel 2 big boss Gabby Lopez dahil mukha umanong may sumasabotahe sa kanya sa sariling programa.

Pero ’yun nga, biglang “bumulaga” si Willie sa WWW kahapon para lang ipaliwanag ang nangyaring “kalituhan” sa Wilyonaryo portion nu’ng August 20, na naging mitsa ng imbestigasyon sa Senado.

Mahaba at paulit-ulit ang naging salaysay ni Willie, complete with props — meaning the wheels and numbers na diumano’y ginamit sa kontrobersyal episode, kung saan dalawang numero, isang 0 at isang 2, ang “aksidente” niyang nahugot mula sa violet wheel.

To make the long story short, ang pinaka-gist ng explanation ni Willie ay: Ang lahat ng wheels ay may tig-dalawang numero, 0 at isa pang number para sa corresponding cash prize (5, for P500,000, 1 for P1 million, at 2, para sa P2 million) sakaling iyon ang mapili.

Sadya raw ang pagkakalagay nito, taliwas sa naunang statements ng ABS, na “mechanical glitch” at “design flaw” ang nangyari.

Pandagdag excitement daw sa tawaran portion ang paglalagay ng “0” sa bawat wheel, at the same time, proteksyon ng programa para hindi mahulaan agad ng contestant kung nasaan ang jackpot prize.

Ang pag-amin ng comedian-TV host ang malinaw na ebidensiya na aware siya at ang WWW staff na may dalawang numero nga sa violet wheel.

Hirit ng isang bihasa na sa game shows, maling-mali pa rin ang grupo ni Willie. Una, hindi common practice na gawing base number ang zero. Kung nagawa raw ng Pera o Bayong na gumamit ng iisang numero lang at pagmukhaing zero ang bawat isa rito, ano’t ang Wilyonaryo’y kinailangan pang maglagay ng tig-dalawa?

“There’s always the possibility talaga na sasabit ka,” pamumuna ng source.

Ang isa pang katanungan, paano nakasisiguro ang audience na hindi nga rin doble ang numbers 1, 2 at 5 sa bawat wheel gaya ng 0? What assurance do they have nga naman?

Ano pa man ang gawing paliwanag ni Willie at kahit ilang beses pa niya i-preempt ang nakatakdang presentasyon ng ABS officials sa investigating panel ng Senado, babalik at babalik pa rin sa katotohanang kontrolado nila ang magiging resulta ng laro at kung sasadyain, open talaga ito to manipulation.

So, ano na nga ’yon uli? For “excitement” and “protection”? Naku, kasing flimsy at vague lang naman ’yan ng mga salitang “mechanical glitch” at “design flaw,” eh!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...