Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Joey at Willie na Super OJ ni Janno!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, September 04, 2007

Joey at Willie na Super OJ ni Janno!


GAYA nga ng naisulat namin kahapon, naging tampulan ng intriga ang pagkanta ni Janno Gibbs sa Sobrang OJ Pare! last Sunday.

Hindi kasi nakaligtas kay Janno ang nangyaring kapalpakan sa show ni Willie Revillame at ang tirada nito sa kalabang host na si Joey de Leon.

Medyo nahirapan kaming kumuha ng lyrics ng kanta, pero salamat sa youtube.com, sa wakas ay pinalad din kami.

Kaya, narito na ang lyrics na puwede n’yo ring kantahin to the tune of Sorry Na, Puwede Ba?: Ang pinag-usapan ng buong linggo/Milagrong nangyari sa Wilyonaryo/’Wag mag-alala, ’di nanghuhusga/Tsikahan lang naman

Sa’n napunta’ng dalawang milyong piso/Pagbunot dito/Ang lumabas zero/Management nila ay nag-esplika/Technical glitch pala

’Wag sanang magtampo/Nagbabalita lang ako, oh baby/Basta’t natsismis ka/Sori, OJ ka

Si Papi nagdrama nang walang luha/Si Joey ay sumagot sa Bulaga/Pipiliin mong titirahin mo/Joey pa, puwede ba?

Trabaho lamang ’to/Masisisi mo ba ako, oh baby/Kay Joey at Papi/Sori, puwede ba/Peace tayo Pare ko/O kay liit nitong mundo, oh baby/Mag-explain bago ka mag-complain/Willie, friend kita/Joey, luv kita/Woooh, yeah/Thank you sa pera…

Matapos nu’n, biro ni Janno, “Pareng Joey, thank you sa pera, ha, pinaganda ko ’yung parte mo.”

Hahaha!

At dahil sa isyung pinalaki ni Willie, sabi ni Joey, may pauusuhin silang bagong sayaw sa Eat Bulaga, at ito’y tatawaging, Hugot Likod, Ay Mali.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...