Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Angel sinumbatan ng GMA-7

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, July 24, 2007

Angel sinumbatan ng GMA-7

HINDI maitatago sa mga binitiwang salita ni Ms. Wilma Galvante sa Showbiz Central noong Linggo, na hindi nga sila masaya sa naging desisyon (kung meron na nga?) nina Angel Locsin, manager nitong si Becky Aguila at ultimo ama ng aktres sa napabalitang pormalidad na lang ang hinihintay para lubusang tawaging Kapamilya na ang dating Kapuso star.Sa himig ng salita ng lady executive ng GMA 7, talagang may tunog sumbat ang mga binitawan nitong pahayag. Sila nga naman ang nag-alaga at gumawa ng paraan para maging isang big star si Angel Locsin, heto’t bigla na lang siyang kukunin ng kalabang network.Matagal na naming pinagdududahan ang dati pang tsika na magbabakasyon lang kunwari (in fact mag-aaral daw kuno?) ang young star sa abroad, but we thought otherwise. Baka nga bahagi lamang ng isang malaking plan ang nasabing pag-aaral ng fashion designing kuno ni Angel, pero dahil hindi nga ito pumasa sa test, bakasyon na lang ang ginawa nito. At yun na nga, kailangang gumawa ng hakbang ng kanyang manager para gawing disimulado ang lahat.Sa pahayag naman na ipinakita sa The Buzz kina Becky Aguila at tatay ni Angel, siyempre susuporta sa anumang desisyon ni Angel lang ang na-highlight. Never pa raw puwedeng pag-usapan ayon sa source namin ang detalye ng pag-o-ober da bakod ni Angel.“Basta ang alam namin ay may legalidad at teknikalidad pa sa pagtatapos ng kontrata ni Angel. Hangga’t wala siyang release paper mula sa GMA 7, technically speaking, she could not work with another station or network,” ang tsika pa ng nasabing source.May ganun?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...