Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Showbiz Central

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, April 26, 2007

Showbiz Central

TIYAK na aabangan ang Showbiz Central sa April 29 para makita kung totoo ang pina-plug ng GMA-7 na new brand ng showbiz reporting ang hatid nito, more daring, fresher ang approach, informative at kung anu-ano pang pangako.

Bukod sa segments gaya ng Atrivida, Celebrity Tracker at Artista Facts, may Hollywood news at may Central Jury na maggi-guest to interrogate celebrity subjects based sa hawak na evidences.

Ready na sina Pia Guanio, John Lapus at Raymond Gutierrez sa sinabi ni Wilma Galvante sa show na sure hit daw sa viewers.

Samantala, wala pa ring birthday gift si Pia kay Vic Sotto, na birthday sa Saturday, dahil wala siyang maisip ibigay sa taong kumpleto na sa gamit.
Noong birthday niya, isang DVD ng pictures ng boyfriend ang ibinigay sa kanya complete with soundtrack. Happy sila sa kanilang relasyon at never naging problema ang age gap.

“Sakto lang ang age namin dahil ang lalaki, matagal maka-catch up sa age ng babae. Nagka-boyfriend na ako ng younger sa akin at ako ang nagdala,” say ni Pia.

Sigurado si Pia na manonood si Vic ng Showbiz Central dahil pinapanood din siya sa Chika Minute at pagkatapos, nagti-text ng comment sa kanyang damit, make-up at ayos.

Twice itong nagti-text sa kanya everday, para mag-good morning at mag-good night.

Sa sinabi ni Vic sa S-Files na greatest fear niyang mawala sa buhay niya si Pia, sinabi ng TV host na naniniwala siya sa BF.

Kung magtutuluy-tuloy nga raw ang maganda nilang samahan, masasabi rin niyang si Vic na ang huling lalaki sa buhay niya, in the same way na vocal ang huli sa pagsasabing siya na ang huling babae sa buhay nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...