Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Piolo, excited mag-guest sa Siyete!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, April 26, 2007

Piolo, excited mag-guest sa Siyete!

In fairness, hindi naging “KJ” (killjoy, gagah!) si Regine Velasquez, dahil kahit patagilid, sinagot niya ang mga katanungan ng press sa presscon ng Paano Kita Iibigin.

Oo, naitanong din kung ilang beses silang nagkaroon ng kissing scene sa idinirek na ito ni Joyce Bernal at medyo daring sila pareho ni Piolo Pascual rito.

Pero siyempre, iba pa rin kung ang itatanong ng press ay ang tungkol sa kanila ni Ogie Alcasid. Kahit pa-tweetums pa nu’ng gabing ’yon si Regine, bakas sa mukha niya na happy siya sa kanyang lovelife.

Para ngang gusto niyang sabihin sa press: “Ano ba kayo? ’Wag na kayong nagtatatanong ng tanong na alam n’yo naman ang sagot!”

Eh, alam mo naman ang mga press, mas type nilang marinig mismo kay Regine na, “Yes, kami na ni Ogie!” at nu’ng gabing ’yon, isa lang ang pinatunayan ni Regine — tao lang siya ... nagmamahal at minamahal.

* * *

Excited nang “tumalon” sa kabilang bakod ni Piolo Pascual, “Para ibang atmosphere naman!” say ng aktor sa presscon ng Paano...

Kabilang bakod, ibig sabihin, GMA-7. “Nakaiskedyul kami to promote sa Pinoy Pop Superstar, kay Kuya Germs sa Walang Tulugan, Sis, at hindi ko lang alam ’yung iba. But definitely, I can’t promote sa SOP dahil meron nga akong ASAP, ’di ba? Same goes for Regine, nasa SOP naman siya.

Sabi naman ni Regine, na mag-iikut-ikot din sa Channel 2 to promote, “Naku, sa totoo lang, friendly competition lang ’yan. Magkakaibigan ang mga ’yan!”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...