Judy Ann-Jolina starrer, may problema sa title
SA July pa ang playdate ng Ouija ng GMA Films, but this early, inaayos na ang billing nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal.
Sabi ni Mr. Jun Magdangal, ama ng huli, ang napag-usapan ay parehong 100 percent ang laki ng pangalan ng dalawa at 50 percent ang laki ng pangalan nina Iza Calzado at Rhian Ramos sa poster ng movie.
Kung mauuna ang name ni Judy Ann, lalagyan ng “and” ang name ni Jolina na siyang mahuhuli bago ang title ng movie and vice-versa.
Pareho ang size at font ng kanilang mga pangalan at pati laki ng litratong gagamitin, pareho ng laki. Nag-agree na raw dito si Alfie Lorenzo, manager ni Judy Ann, kaya walang magiging isyu sa billing.
Kaya lang, baka raw palitan ang title ng movie dahil trademark pala ang Ouija, pero idu-double check ng GMA Films at kung magkaka-problema’y babaguhin ang title.
Psychological thriller ang movie, walang masyadong prosthetics, pero mararamdaman ang takot sa mga eksena at sa musical scoring.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home