Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Bagong studio complex ng Siyete, gagastusan ng P1 bilyon

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, April 09, 2007

Bagong studio complex ng Siyete, gagastusan ng P1 bilyon

Bagong studio complex ng Siyete, gagastusan ng P1 bilyon
PATULOY ang regional expansion projects ng GMA Network.

Habang nananatiling number one sa ratings ang GMA sa Mega Manila at matapos palakasin ang signal sa mga pangunahing lalawigan kabilang ang Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Dagupan at Bacolod, tinututukan naman ngayon ng istasyon ang iba pang regional expansion projects na naglalayong palakasin ang signal ng Siyete at pagandahin ang program distribution capabilities sa iba pang lugar sa bansa.

Umaabot sa P170 million ang gagastusin ng GMA para sa mga naturang proyekto, kung saan ang ilan ay tapos na.

Ang transmitter facilities ng GMA sa Mt. Sto. Tomas, Benguet, ay nakumpleto na nu’ng Enero at dahil sa komprehensibong upgrade, mas maraming kabahayan sa La Union, Pangasinan, Benguet, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga ang nakakapanood ng mas malinaw na GMA.

Kampante naman ang mga taga-CDO at General Santos City na mapapanood sa Kapuso Network ang pinakaaabangang laban nina Manny Pacquiao at Jorge Solis sa April 15.

Matatag nang nakatayo ang transmitter tower ng GMA sa CDO. Ang relay station ng kumpanya sa General Santos City ay natapos na nu’ng Marso.

Ang GenSan station ay may five-kilowatt full antenna system. At sa darating na Hulyo, ang transmitter ng GenSan ay ia-upgrade pa sa 10-kilowatts.

Ang Batangas at ang mga karatig-probinsiya nito ay makararanas na rin ng mas maganda at mas malinaw na GMA signal oras na matapos ang GMA relay site sa Mt. Banoy.

Dalawang proyekto rin sa Bicol ang sumikad na.

Nagsimula na ang preparasyon para sa construction ng Naga tower at tinatayang matatapos ang signal upgrade at transmitter project ngayong Hulyo. Ang tower at antenna system sa Legaspi City ay ia-upgrade na rin.

Inaasahan namang matatapos na ang construction ng GMA Iloilo TV studio sa Hunyo.

Mag-uumpisa ngayong buwan ang construction ng GMA studio complex sa Davao at Dagupan at inaasahang matatapos ang mga ito sa Oktubre.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paghahatid ng GMA ng locally-produced news at entertainment programs sa Cebu, Iloilo at Davao.

Inaasahan ni GMA Network EVP and chief operating officer Gilberto Duavit Jr. na ang mga naturang proyekto ay magdudulot ng mas maraming bilang ng mga manonood ng GMA sa probinsiya.

May itinatayo ring dalawang state-of-the-art studios ang GMA Network sa compound nito sa Quezon City. Ang mga pinakabago at pinakamodernong studio equipment at facilities ay ilalagak sa naturang studio complex, na tinatayang gagastusan ng aabot sa P1 billion.

Nananatiling number one ang GMA Network sa Mega Manila base sa inilabas na total day ratings data ng AGB Nielsen mula March 4 to 17.

Sa nabanggit na period, nagtala ang GMA Network ng average total day rating na 17.3 percent samantalang 14.7 naman ang sa ABS-CBN.

Ayon sa TNS, 51 percent ng TV households sa urban areas ng buong bansa ang nasa Mega Manila, kung saan nangunguna ang Kapuso Network sa ratings.

Ang kabuuan ng Luzon, kasama ang Mega Manila ang bumubuo ng 74 percent ng TV households at ang natitirang 26 percent ay pinaghahatian naman ng urban areas sa Visayas at Mindanao.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...