Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Starstruck and Pinoy Pop Superstar Updates

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, April 09, 2007

Starstruck and Pinoy Pop Superstar Updates

KUNG may Magic Kamison sina Jewel at Paulo, tampok naman sa The Boys Next Door sina Kris at Mart Escudero, ang Ultimate Loveteam ng StarStruck 4.

Sa May 10 na ito magsisimula at magiging ka-back-to-back ng MK.
Kasama rin sa cast si Marky Cielo, Aljur Abrenica, Stef Prescott at Jesi Corcuera. Masaya ito’t pinagsama-sama sa isang show ang naka-MU ni Kris na si Aljur at ang na-link sa kanyang si Jesi.

Tiyak na magpapasiklabang magpakita ng galing ang dalawa at ’di patatalo si Mart. Tapos, isama pa si Stef, na bago si Kris, crush ni Mart at inarbor sa mga kasama.

* * *
NGAYON ang dating ng challengers ng Pinoy Pop Superstar Year 3 mula sa ibang bansa. Ang mananalo sa kanila ang magiging pang-siyam na qualifier sa grand showdown ng singing search ng GMA-7 na gaganapin sa Araneta Coliseum sa June 2.

Darating ang representatives ng search ng PPS na ginawa sa iba’t ibang bansa kabilang ang United Arab Emirates, Qatar, Bahrain, Canada, Los Angeles, New York at San Francisco.

Maglalaban-laban sila upang mapabilang sa grand showdown at may chance na sumunod kina Jonalyn Viray at Gerald Santos, past champions ng PPS.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...