Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: March 2007

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, March 31, 2007

GMA Kapuso "SuM@Mer Ka Na!"



Monday, March 26, 2007

Aljur, Jewel, Kris, and Mart were hailed StarStruck winners!

With a bigger audience than last year, and definitely a more friendly stage design, inabot ng mahigit apat na oras ang proclamation last night, March 25, ng four winners of this year's artista-search show ng Kapuso Network sa Marikina Sports Park.

Mas malaki at mas maayos din ang naging opening number with an almost complete cast from the first batch to the fourth batch. Grouped in six but all in one stage—pagkatapos mapakilala ang Final 6 that also included Prince Stefan and Rich Asuncion—unang nag-sexy dance ang grupo nina Katrina Halili, Iwa Moto, and Cristine Reyes.

Sinundan ito ng isang fast dance na ipinamalas nina Mark Herras, Marky Cielo, Rainier Castillo, and their group. Nag-ala-Dreamgirls naman sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Stef Prescott, and their group. Nag-ala Boy-band naman ang grupo nina Gian Carlos with their guitars.

Isang female fast dance number ang ginawa ng grupo nina Ryza Cenon and LJ Reyes. At pinakahuli and most applauded ang sexy dance number nina Mike Tan, Dion Ignacio, Paulo Avelino, and their group. While halos hindi na makilala ang mga iba sa kanila, kapansin-pansin na wala si Nadine Samonte.

Unang nag-perform ang final three male Survivors—song and dance ang ginawa ni Aljur, nag-medley of songs naman si Prince, at sayaw rin ang pambato ni Mart.

Sa mga kababaihan naman, nagsayaw pareho sina Jewel and Kris, and in between their number, is Rich's song and dance interpretation of the second Dreamgirls song of the night, ang "One Night Only."

Dalawa lang ang special guests for the night. Ang SexBomb Dancers ay naki-"Taktak" with this year's Survivors. After which ay ibinigay ang apat na Ibang Level awards: Jesi Corcuera for the Taktak Award, Dex Quindoza for Male with the Most Dramatic Exit, Jan Manual for Dats Entertaining Award, and Stef Prescott for Female With the Most Dramatic Exit.

Si Regine Velasquez ang second and last guest bago na-announce ang winners singing a medley of victory songs.

Sina Mart and Kris ang nagwaging Ultimate Pair. Overriding the demerit that Mart got prior to the Final Judgment night, nagtuloy-tuloy pa rin ang tradition of male winners with names starting with the letter M as he follows the winning footsteps of Mark, Mike, and Marky.

Si Aljur naman ang nagwaging Ultimate Hunk at si Jewel ang Ultimate Sweetheart. Prince is the First Prince and Rich is the First Princess.

All four winners took home one million pesos in cash; two million pesos-worth of management contract with GMA-7; P250,000 worth of business package from Belgian Waffles; P50,000 pesos in cash plus P150,000 peso-worth of gift certificate from Calayan, and P120,000 worth of scholarship grants.

The texters' choice awardees Kris (for females) and Aljur (for males) each received a commercial endorsement from BNY.

During the show, nabanggit ng tatlong hosts na sina Jolina Magdangal, Raymond Gutierrez, and Dingdong Dantes ang mga text votes na natanggap ng anim. Aljur got 280,084 votes, si Mart ay 267,703, at si Prince ay 193,503. Sa girls, Kris got 177,600, si Jewel ay nakakuha ng 157,618, at si Rich ay 151,981.

While all the 16 Avengers also got a business package from Belgian Waffles, walang binanggit kung bibigyan din sila ng contract ng GMA-7, unlike the past three years na before the awarding ay may nakalaang management contracts para sa mga Avengers.

The StarStruck Council (composed of Louie Ignacio, Lorna Tolentino, and Douglas Quijano) was joined by GMA-7's Senior Vice President for Entertainment-TV Wilma Galvante and GMA Films President Anette Gozon-Abrogar for the Final Judgment night.

Exactly 8 p.m. nagsimula ang show at natapos ng past twelve.

'Bakekang' comes to an end

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Sunshine Dizon sa dressing room ng AFP Theater sa Camp Aguinaldo last Friday, March 23, habang naghihintay sa pagsisimula ng taping ng Bakekang. Sa nasabing taping ay kinunan ang showdown nina Yasmien Kurdi at Lovi Poe bilang Karisma at Kristal, respectively, na gumaganap bilang mga anak ni Bakekang (Sunshine).

Ayon kay Sunshine, isang buong concert daw ang gagawin nina Lovi at Yasmien na may titulong "Kristal at Karisma: Ang Gabi ng Paghaharap, The Concert." Pero hindi raw mapapanood nang buo sa TV ang naturang concert.

"Ginawa lamang ito ng GMA-7 at ng staff ng aming soap bilang pasasalamat sa lahat ng mga fans na walang sawang sumusubaybay sa amin sa loob ng seven months. Ang mapapanood po sa soap ay yung kukunan naming showdown nina Kristal at Karisma at yung simula ng isang mahalagang eksena na hindi ko pa po puwedeng i-reveal. Abangan na lang po ng mga televiewers," pambibiting kuwento ni Sunshine.

Isa rin sa pinakaaabangang tagpo sa pagtatapos ng Bakekang ay kung sino ang makakatuluyan ng character ni Sunshine—si Kristoff (Jay Manalo) o si Herman (Victor Neri). Sinabi ni Sunshine na hindi pa niya alam kung sino ang makakatuluyan niya dahil ngayong araw, March 26, kukunan ang wedding scene niya.

"Hindi ko rin po alam kung sino sa kanila ang mapapangasawa ko, nagpa-survey po kasi ang Bakekang through text and e-mail kung sino ang gusto ng televiewers na mapangasawa ko. Sa set na ng taping po namin malalaman," excited na sabi ni Sunshine.

Ano ang magandang nangyari sa kanya sa pagganap niya bilang si Bakekang?

"I hope I become a better person sa pagganap ko sa role ni Bakekang," sabi niya. "It's a wonderful experience sa akin at labis ang pasasalamat ko sa GMA-7 na ipinagkatiwala sa akin ang ganitong role, kaya naman pinagbuti ko ang pagganap. Nakita naman natin kung ano ang kanyang [Bakekang] character, palaban pero mabait, at wala siyang hinangad kundi ang kabutihan ng kanyang mga anak. Kung may nasaktan man siya, binabawi niya 'yon.

"Natutuwa ako na kung minsan nasa labas ako, may biglang lalapit sa akin na nanay at sasabihan ako na, ‘Ganoon talaga ang mga anak. Ang anak ko nga ganito, ganoon.' Ang feeling ko, na-convince ko sila sa pagpu-portray ko ng role. Although I'm only 23 years old, nakaya kong gampanan ang role ng isang 40-year-old woman, na may dalawang anak na dalaga at naka-relate sila sa akin.

"I'm also thankful na binigyan ako ng napakahuhusay na supporting cast at binigyan ako ng dalawang mahuhusay at mabait na direktor—sina Direk Khryss Adalia at Direk Gil Tejada. Hindi ko sila malilimutan at mami-miss ko sila kapag nagsimula na ako ng bago kong project sa GMA-7," mahabang pahayag ni Sunshine.

Totoo bang may malungkot na mangyayari sa ending ng Bakekang?

"Ganoon naman po sa isang story, may masaya, may malungkot. Pero balanseng-balanse po ang magiging ending nito, at tiyak na maraming matutuwa," sabi ni Sunshine.

Ayaw pang magbigay ng detalye ni Sunshine sa susunod niyang project sa GMA-7, kahit may mga lumalabas nang balita na ang susunod niyang project ay ang Impostora na ididirek ni Maryo J. de los Reyes. Si Direk Maryo J. ay naging direktor ni Sunshine sa soap opera na Habang Kapiling Ka sa GMA-7 din. Makakasama raw ni Sunshine sa Impostora sina Dingdong Dantes, Wendell Ramos, Alfred Vargas, at Iza Calzado.

"Hindi pa po ako allowed na mag-confirm kung ano ang bago kong show. Basta ang masasabi ko lang, may kasunod na po akong gagawing project," pagtatapos na ni Sunshine.

Friday, March 23, 2007

Mark Herras as Fantastik Man

Tuesday, March 20, 2007

Vote: Aljur Abrenica for Ultimate Hunk!!!


Wednesday, March 14, 2007

Say That You Love Me - Regine Velasquez

Wow... How come I have never seen this video... The quality is great and plus hindi corny ang video compare to her new ones... I wonder who directed this very classy ang dating.. Plus Raymond Bagatsing looks gorgeous in the video with her...

Marvin Gagarin's version of "Sa Kanya"...

It's Starstruck Season.. Pero I can't help to get excited for Pinoy Pop Superstar... Grabe, ang gagaling ng batch 3... Here's a clip of Marvin Gagarin's version of "Sa Kanya"... I really think that Pinoy Pop Superstar 3 is the best batch yet kasi lahat sila may itsura, matangkad at maganda ang boses... As a group, I really think they are best so far compare to the previous batches...

Tuesday, March 13, 2007

Magaling, Magaling, Magaling... NeoSerye Vs. MeoSerye Spoof Bubble Gang


Final 6 of 'StarStruck' prepare for the Final Showdown

Pare-parehong inihanda ng Final 6 ng StarStruck: The Next Level na sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Prince Stefan, Jewel Mische, Mart Escudero, at Rich Asuncion ang kanilang sarili na baka matanggal sila sa final elimination last Sunday, March 11 sa GMA Broadway Studio. Ito ang dahilan kaya halos iisa ang sagot nila nang makausap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Oasis Restaurant pagkatapos ng elimination: "Hindi ko po in-expect na makakapasok ako."

PRINCE STEFAN. Masaya si Prince na nakapasok siya dahil the next day, paalis sila para sa mall show nila sa Davao. Sa wakas daw ay makikita na rin niya ang Mama niya na doon na pala nakatira sa Davao kasama ang bago nitong pamilya.

Kung siya ang papipiliin, gusto niyang Ultimate Hunk ang makuha niyang titulo dahil wala na raw ang ka-loveteam niyang si Jesi Corcuera. Kung sa loveteam daw kasi, sina Kris at Aljur ang pwedeng manalo dahil sila naman daw talaga ang pinagtatambal. Pero okay lang din kay Prince kung si Jewel ang maka-loveteam niya.

ALJUR ABRENICA. Masayang-malungkot naman si Aljur. Masaya raw siya dahil kahit papaano, makakahinga na siya nang maluwag at inihahanda na rin niya ang sarili niya kung sakaling hindi siya ang manalo sa Final Showdown sa March 25. Malungkot daw siya dahil naaalaala niya ang pagsasamahan nila ng mga finalists.

Sinabi rin ni Aljur na okay raw sa kanya kung sila ni Kris ang mananalong Ultimate Loveteam. Nilinaw ng binata na hindi pa raw niya nililigawan si Kris, pero nagpaparamdam na raw siya rito.

RICH ASUNCION. Naranasan na ni Rich ang matanggal, kaya hindi na siya masyadong ninerbiyos habang hinihintay kung sino sa kanila ni Stef Prescott ang tatawagin para makabilang sa Final 6. Mas ninenerbiyos pa nga raw siya ngayon dahil bilang isang probinsiyana, hindi siya sanay humarap sa napakaraming tao, tulad ng nangyayari sa mga mall shows nila ngayon.

JEWEL MISCHE. Naiyak naman si Jewel nang hindi makapasok si Paulo Avelino na ka-loveteam niya. Inamin din ni Jewel na nagpaparamdam na rin sa kanya ng special affection si Paulo, pero mga bata pa raw sila kaya dapat career muna bago lovelife ang atupagin nila.

Nalaman din namin na pagkatapos ng show, ilang beses tinext ni Jewel si Paulo, pero hindi raw siya sinagot nito. Masamang-masama raw kasi ang loob ni Paulo sa kanyang pagkatalo.

MART ESCUDERO. Kinukulit naman ni Mart si Kris nang sabay silang makausap ng PEP. Crush kasi ni Mart si Kris, pero ayaw raw niyang ituloy ang panliligaw rito dahil alam niyang sina Aljur at Kris na ang magka-loveteam. Si Stef ang ka-loveteam ni Mart kaya hindi raw niya matingnan ang dalaga na umiiyak pagkatapos hindi makapasok sa Final 6.

Maging si Mart ay inakala na si Paulo ang makakapasok sa Final 6 dahil feeling niya, pumapangalawa lamang siya rito. Sa Ultimate Hunk daw niya gustong manalo, pero inihahanda rin daw niya ang sarili niya kung sakaling hindi siya manalo.

KRIS BERNAL. Happy and blessed naman si Kris dahil inihanda na niya ang sarili niya na hindi makakapasok sa Final 6. Ito raw ang dahilan kaya napaiyak siya sa nerbiyos at tuwa nang tawagin ang pangalan niya.

Takot na takot din daw siya nang nagsasayaw siya dahil nanginginig ang kanyang mga binti. Okay lang daw sa kanya kung sila ni Aljur ang mananalong Ultimate Loveteam.

ONE MILLION. Bago ang pagpili sa Final 6, nakausap namin sila habang nagpi-pictorial. Tinanong namin sila kung ano ang gagawin nila sakaling sila ang manalo at makatanggap ng one million cash prize.

Ayon kay Prince, itutulong niya sa charity ang iba. Ipagagamot din daw niya ang ilong ng Mama niya na matapos iparetoke 12 years ago ay lumaki na ang buto sa ilong nito. May lumalabas din daw na parang maliliit na bigas na baka raw maging cancerous kung hindi maaagapan.

Gusto ni Kris na makabili siya ng sarili niyang kotse at ang iba raw ay ibibigay niya sa Mommy niya para panggastos sa bahay.

Gusto naman ni Jewel maging pilot at doon daw niya uubusin ang kanyang P1 million.

Itutulong naman ni Rich ang pera niya sa pagpapatapos ng pag-aaral ng tatlo niyang nakababatang kapatid at mga pinsan sa Bohol.

Si Mart, na kamag-anak pala ni senatoriable Chiz Escudero, ay sinabing 20 percent ng P1 million ay itutulong niya sa Pediatric Ward ng Philippine General Hospital dahil nakita niya ang kakulangan ng gamit doon nang ma-confine siya noong nine years old pa lamang siya dahil sa typhoid.


Ipapahawak naman ni Aljur ang cash prize niya sa kanyang parents na medyo may edad na. Gusto rin niyang itulong sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid ang mapapanalunan niya.

Kahapon ay nasa Davao ang Final 6 for their Nationwide Invasion. Today, March 13, nasa Cebu sila at tomorrow, March 14, nasa Iloilo naman sila. Pagbalik nila ng Manila, mayroon silang final acting test at pagkatapos ay maghahanda na sila para sa Final Showdown on March 25.

Monday, March 12, 2007

Starstruck: Stef and Paulo, Out!

Hay naku, Starstruck Shocker ito.. Sayang sina Paulo Avelino and Stef Prescot... My final six would have been Aljur, Kris, Jewel, Mart, Stef and Paulo... I didn't expect the two of them to be eliminated so fast...

Sayang talaga... Sila pa naman ang napiling maganda sa camera and may talent diba?
I mean like I like Rich and Prince, pero I was hoping sila ang ma-a-out rather than Paulo and Stef...

My final four would have been like this:
UltimateHunk: Aljur Abrenica
Ultimate Sweetheart: Jewel Mische
Ulitmate Loveteam: Mart Escuedero and Kris Bernal
I don't understand... Pero, like everyone said on Pinoy Rickey Aljur is aiming for the loveteam with Kris.. Pero I would have rather seen him with Stef instead, mas bagay kasi sila dahil matanggakad sila pareho and yung body built pareho... Sana nga sina Kris and Dex na lang mas cute... Kaya lang wala na si Dex nun pa lang.. So Kris-Mart


Aljur has to be the UH, while Jewel is the US!!!, Kris-Mart for ULT!!!

Sexbomb, Gladys return to ‘Eat Bulaga’

GUESS who’s returning to “Eat Bulaga”? You guessed it right, The Sexbomb. After a heart-to-heart talk with TAPE, Inc. execs, the group’s manager, Joy Cancio had sure made a comeback deal this time. But that’s not all. Another ‘EB’ prodigal daughter will soon be back. You’ve guessed it right again, it’s Gladys Guevarra. This time, Sexbomb will return but there will be no dance showdown with the EB Babes, as they don’t want to have misunderstanding with the group. Joy wants to make it clear that they’re not returning to the show to ease out the EB Babes. In fact, they’re only performing two days a week, Monday and Wednesday. They are still busy with “Daisy Siyete” and since it is election time, they have several bookings for performances in campaign sorties. All’s well that ends well for Sexbomb and "Eat Bulaga." But will the EB Babes find it comfortable? And will Gladys’ return to the show make somebody in the show comfortable?

Alessandra de Rossi tototohanin ang pagtataray kay Jennylyn

MAGKAKATRABAHO sina Alessandra de Rossi and Jennylyn Mercado.

Napakaliit talaga ng showbiz. Pagkatapos ng bangayan noon nina Alex and Jennylyn over Jeremy Marquez, eto, makakasama na ni Jennylyn si Alex sa Super Twins nila nina Dennis Trillo and Nadine Samonte.

We don’t know kung ano ang character ni Alex dito but we heard siya ang papalit kay Tanya Garcia na tuluyan na yatang magli-leave sa top rating GMA telebabad soap after Asian Treasures.

Will they kiss and make up?

Ang sabi ni Alex, trabaho lang daw ito, walang personalan. She will do her work at hindi na kailangan ng batian portion. Kahit ‘hi’ and ‘hello’ and ‘good morning’ man lang?

Masaya ito, knowing Alex, idadaan niya ito sa matin-ding acting dahil tiyak magiging magkaeksena sila ni Jennylyn. Sayang naman na bida si Jennylyn at kontrabida si Alex at hindi sila pagsasamahin sa eksena, `no?

Tiyak, ikatataas na naman ito ng ratings ng Super Twins.

Wednesday, March 07, 2007

Bb. Pilipinas-World Margaret Wilson under attack!

Bb. Pilipinas-World Margaret Wilson under attack!
Margaret's manager clarifies issues thrown at the newly-crowned Bb. Pilipinas-World.


Ayon kay Neil de Guia, manager ng newly crowned Bb. Pilipinas-World 2007 na si Margaret Wilson, very much aware daw ang kanyang alaga sa ilang negative criticisms na ibinabato ngayon sa kanya ng ibang tao na masasabing hindi happy sa pagkapanalo niya.

May mga nagsasabi at kumukuwestiyon kasi na at 17 years old, hindi pa raw high school graduate si Maggie (palayaw ni Margaret) kaya paano raw ito nakalusot sa pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities. Ginagawa kasing isyu ang hindi pa niya diumano pagiging high school graduate—na isa sa mga qualifications para sa Binibining Pilipinas candidates—na dapat daw ay hindi pinayagan ng BB. Pilipinas Charities na makapasok si Maggie sa screening pa lamang.

Ang pahayag ni Neil dito, wala naman daw isyu at all or anumang dapat ikuwestiyon dahil lahat ng requirements para sa Binibining Pilipinas ay naisumite nila prior to the screening, kabilang na ang certificate mula sa home study school na pinapasukan ni Margaret.

Nakasaad daw sa certificate from the school na isa sa mga graduating students nila ng high school si Maggie sa buwang ito ng Marso.

Another fact, ayon pa kay Neil, wala naman daw problema sa Bb. Pilipinas Charities kung hindi man high school graduate ang isang kandidata, as long as, nag-aaral ito. Lalung-lalo rin daw na walang magiging isyu sa Miss World beauty pageant kung high school graduate man or hindi ang ipapasok na kandidata ng anumang bansa.

If ever man, wala na nga namang magiging kaso sa part ni Maggie dahil either on October or November pa gaganapin ang 2007 Miss World beauty pageant sa Warsaw, Poland. That time, 18 na si Maggie at naka-graduate na rin siya ng high school.

Nagtataka rin ang manager ni Maggie kung bakit may kumukuwestiyon ngayon sa hindi pa pagiging high school graduate ng dalaga after nitong makoronahan as Bb. Pilipinas-World. Noon daw kasing presentation pa lang ng 30 candidates ng Binibining Pilipinas ay binabanggit nang high school student pa lang si Maggie. Kaya sa puntong yun, walang itinago or inilihim sa pagkatao ni Margaret ang Bb. Pilipinas Charities.

Ayon kay Neil, hindi na lang daw pinapansin ni Maggie kung may mga negative comments sa kanya dahil masaya naman daw ang dalaga sa magagandang comments ng karamihan sa pagkapanalo niya.

Si Maggie rin daw ang nagsabi na, "Huwag na lang po nating pansinin. It's really a fact that we cannot please everybody. And we cannot make everybody feel the same way that we do."

Samantala, hindi nakakapagtakang punong-puno ngayon ang schedule ni Maggie, ‘tulad ngayon kung saan nagkaroon sila ng courtesy call sa Malacañang. Ito raw ang dahilan kung kaya't wala pa raw plano ang beauty queen sa darating niyang debut next Thursday, March 15. Wala rin daw idea si Neil kung magkakaroon ng instant party si Maggie sa kanyang debut or ise-celebrate na lang ito nang simple with her family and very close friends.

Dahil allowed pa siyang tumanggap ng showbiz commitments, tuloy-tuloy pa rin daw si Maggie sa pagte-taping ng action-adventure series na Asian Treasures sa GMA-7 at pagiging MTV VJ.

Tuesday, March 06, 2007

SexBomb Girls return to "Eat Bulaga!" as regular performers

Joy Cancio reportedly signed a deal with TAPE Inc. for SexBomb's comeback on Eat Bulaga!

The SexBomb Dancers will be seen once again in Eat Bulaga!, not as guests but as a regular cast of the noontime show on GMA-7. A source disclosed that Joy Cancio, the group's manager, has already signed a deal with the management of TAPE Inc. for the comeback of the popular all-female sing-and-dance group on Eat Bulaga!.

It can be recalled that the SexBomb Girls and their manager had a rift with Malou Choa-Fagar, one of Eat Bulaga's producers, and even stood up a special presentation of the show, when Sugar Mercado, a newly-hired member then, was promoted heavily.

Joy decided to pull the group off the show as a sign of protest and disagreement from the way the other girls were being treated—that of being demoted to be a backup of Sugar. That incident also triggered speculations that the group is being hired by ABS-CBN for Wowowee, Eat Bulaga's rival show. Joy denied the report.

After a series of auditions to look for replacement for the SexBomb Girls, the EB Babes was formed. Later on, Joy extended an apology to Ms. Choa-Fagar that paved the way for SexBomb to return in Eat Bulaga!, first as guests. But now, it seems inevitable that the all-female group return as regulars to the show where they started their careers.

Some insiders say that the return of the SexBomb Girls on the show! is a move to regain Eat Bulaga's claim as the number one noontime show in the country. For weeks now, its rival program, Wowowee of ABS-CBN, has been clobbering Eat Bulaga! at the ratings.

The Sexbomb Girls also have a toprating afternoon drama show on GMA-7 titled Daisy Siete.

Monday, March 05, 2007

Eat Bulaga bigwigs, naaalarma sa pagbagsak ng ratings ng show?

HOW true na one of these days ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa noontime show na Eat Bulaga na tiyak daw na ikagugulat ng mga tao. Ayon sa tsika, nag-meeting ang pamunuan ng Tape, Inc. (producer ng Eat Bulaga) kung saan nagwika diumano si Mr. Tony Tuviera ng I have to make some decisions.

Pero itinanggi na ito ni Malou Choa- Fagar, Tape’s SVP, na walang miting na naganap sa column ni Nitz Miralles sa People’s Tonight yesterday (March 3).

Ayon sa nakalap na-ming impormasyon, tila nababahala na yata ang Tape, Inc. dahil tinatalo na sila ng Wowowee sa ratings. Marahil, naisip ng mga tao behind the show na kailangan na talaga nilang kumilos to arrest the skid of Eat Bulaga sa ratings.

Well, hindi pa naman sila talagang talung-talo ng kalabang show sa ABS-CBN pero hihintayin pa ba nila na sila’y tuluyang maungusan nang husto? Paminsan-minsan lang naman nakasisingit ang Wowowee sa nangunguna pa ring Eat Bulaga ng Tape at GMA Network.

Anyway, aabangan natin ang pagbabagong magaganap sa Eat Bulaga in the days to come. Mayroon kayang host o hosts na mawawala o mga taong babalik sa show?

Exciting ito. Abangan!

Saturday, March 03, 2007

Wanted, sinong nagnakaw nung TV sa SOP?


Calling out to SOP: Wanted, sinong nagnakaw nung TV sa SOP?

Suggestion lang hah.. Kasi diba masmaganda angstage kpag merong malaking TV screen i n the back?

Not to be mean because the stage looks great compared to before. but it bothers me that there is no background screen to see footages of a video or at least animations while the stars are performing?

Binibining Pilipinas 2007

IBA palang presentation ng Bb. Pilipinas ang mapapanood sa GMA-7 ngayong Saturday night, live mula sa Araneta Coliseum. Magi-enjoy din ang live audience sa Araneta Coliseum dahil rarampa na naka-swimsuit ang buong 24 candidates. Hindi tulad last year na kinunan ang swim suit competition sa isang resort at tape na lang nito ang napanood ng viewers.Dahil uso ang Asian culture ngayon, mala-royal stage ang handog ng GMA-7 sa kanilang viewers. By the way, dalawa sa Bb. Pilipinas candidates ay Kapuso, sina Margarette Wilson at Aileen Luna. So, tinupad pala nila ang kanilang sinabi noon na magkaroon lang sila ng tamang pagkakataon ay tiyak na sasali sila sa ibang prestigious beauty contest. Ito rin kasi ang payo ng mga kaibigan ng dalawa sa showbiz world

Regine Velasquez -...