Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: 'Bakekang' comes to an end

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, March 26, 2007

'Bakekang' comes to an end

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Sunshine Dizon sa dressing room ng AFP Theater sa Camp Aguinaldo last Friday, March 23, habang naghihintay sa pagsisimula ng taping ng Bakekang. Sa nasabing taping ay kinunan ang showdown nina Yasmien Kurdi at Lovi Poe bilang Karisma at Kristal, respectively, na gumaganap bilang mga anak ni Bakekang (Sunshine).

Ayon kay Sunshine, isang buong concert daw ang gagawin nina Lovi at Yasmien na may titulong "Kristal at Karisma: Ang Gabi ng Paghaharap, The Concert." Pero hindi raw mapapanood nang buo sa TV ang naturang concert.

"Ginawa lamang ito ng GMA-7 at ng staff ng aming soap bilang pasasalamat sa lahat ng mga fans na walang sawang sumusubaybay sa amin sa loob ng seven months. Ang mapapanood po sa soap ay yung kukunan naming showdown nina Kristal at Karisma at yung simula ng isang mahalagang eksena na hindi ko pa po puwedeng i-reveal. Abangan na lang po ng mga televiewers," pambibiting kuwento ni Sunshine.

Isa rin sa pinakaaabangang tagpo sa pagtatapos ng Bakekang ay kung sino ang makakatuluyan ng character ni Sunshine—si Kristoff (Jay Manalo) o si Herman (Victor Neri). Sinabi ni Sunshine na hindi pa niya alam kung sino ang makakatuluyan niya dahil ngayong araw, March 26, kukunan ang wedding scene niya.

"Hindi ko rin po alam kung sino sa kanila ang mapapangasawa ko, nagpa-survey po kasi ang Bakekang through text and e-mail kung sino ang gusto ng televiewers na mapangasawa ko. Sa set na ng taping po namin malalaman," excited na sabi ni Sunshine.

Ano ang magandang nangyari sa kanya sa pagganap niya bilang si Bakekang?

"I hope I become a better person sa pagganap ko sa role ni Bakekang," sabi niya. "It's a wonderful experience sa akin at labis ang pasasalamat ko sa GMA-7 na ipinagkatiwala sa akin ang ganitong role, kaya naman pinagbuti ko ang pagganap. Nakita naman natin kung ano ang kanyang [Bakekang] character, palaban pero mabait, at wala siyang hinangad kundi ang kabutihan ng kanyang mga anak. Kung may nasaktan man siya, binabawi niya 'yon.

"Natutuwa ako na kung minsan nasa labas ako, may biglang lalapit sa akin na nanay at sasabihan ako na, ‘Ganoon talaga ang mga anak. Ang anak ko nga ganito, ganoon.' Ang feeling ko, na-convince ko sila sa pagpu-portray ko ng role. Although I'm only 23 years old, nakaya kong gampanan ang role ng isang 40-year-old woman, na may dalawang anak na dalaga at naka-relate sila sa akin.

"I'm also thankful na binigyan ako ng napakahuhusay na supporting cast at binigyan ako ng dalawang mahuhusay at mabait na direktor—sina Direk Khryss Adalia at Direk Gil Tejada. Hindi ko sila malilimutan at mami-miss ko sila kapag nagsimula na ako ng bago kong project sa GMA-7," mahabang pahayag ni Sunshine.

Totoo bang may malungkot na mangyayari sa ending ng Bakekang?

"Ganoon naman po sa isang story, may masaya, may malungkot. Pero balanseng-balanse po ang magiging ending nito, at tiyak na maraming matutuwa," sabi ni Sunshine.

Ayaw pang magbigay ng detalye ni Sunshine sa susunod niyang project sa GMA-7, kahit may mga lumalabas nang balita na ang susunod niyang project ay ang Impostora na ididirek ni Maryo J. de los Reyes. Si Direk Maryo J. ay naging direktor ni Sunshine sa soap opera na Habang Kapiling Ka sa GMA-7 din. Makakasama raw ni Sunshine sa Impostora sina Dingdong Dantes, Wendell Ramos, Alfred Vargas, at Iza Calzado.

"Hindi pa po ako allowed na mag-confirm kung ano ang bago kong show. Basta ang masasabi ko lang, may kasunod na po akong gagawing project," pagtatapos na ni Sunshine.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...