Bb. Pilipinas-World Margaret Wilson under attack!
Bb. Pilipinas-World Margaret Wilson under attack!
Margaret's manager clarifies issues thrown at the newly-crowned Bb. Pilipinas-World.
Ayon kay Neil de Guia, manager ng newly crowned Bb. Pilipinas-World 2007 na si Margaret Wilson, very much aware daw ang kanyang alaga sa ilang negative criticisms na ibinabato ngayon sa kanya ng ibang tao na masasabing hindi happy sa pagkapanalo niya.
May mga nagsasabi at kumukuwestiyon kasi na at 17 years old, hindi pa raw high school graduate si Maggie (palayaw ni Margaret) kaya paano raw ito nakalusot sa pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities. Ginagawa kasing isyu ang hindi pa niya diumano pagiging high school graduate—na isa sa mga qualifications para sa Binibining Pilipinas candidates—na dapat daw ay hindi pinayagan ng BB. Pilipinas Charities na makapasok si Maggie sa screening pa lamang.
Ang pahayag ni Neil dito, wala naman daw isyu at all or anumang dapat ikuwestiyon dahil lahat ng requirements para sa Binibining Pilipinas ay naisumite nila prior to the screening, kabilang na ang certificate mula sa home study school na pinapasukan ni Margaret.
Nakasaad daw sa certificate from the school na isa sa mga graduating students nila ng high school si Maggie sa buwang ito ng Marso.
Another fact, ayon pa kay Neil, wala naman daw problema sa Bb. Pilipinas Charities kung hindi man high school graduate ang isang kandidata, as long as, nag-aaral ito. Lalung-lalo rin daw na walang magiging isyu sa Miss World beauty pageant kung high school graduate man or hindi ang ipapasok na kandidata ng anumang bansa.
If ever man, wala na nga namang magiging kaso sa part ni Maggie dahil either on October or November pa gaganapin ang 2007 Miss World beauty pageant sa Warsaw, Poland. That time, 18 na si Maggie at naka-graduate na rin siya ng high school.
Nagtataka rin ang manager ni Maggie kung bakit may kumukuwestiyon ngayon sa hindi pa pagiging high school graduate ng dalaga after nitong makoronahan as Bb. Pilipinas-World. Noon daw kasing presentation pa lang ng 30 candidates ng Binibining Pilipinas ay binabanggit nang high school student pa lang si Maggie. Kaya sa puntong yun, walang itinago or inilihim sa pagkatao ni Margaret ang Bb. Pilipinas Charities.
Ayon kay Neil, hindi na lang daw pinapansin ni Maggie kung may mga negative comments sa kanya dahil masaya naman daw ang dalaga sa magagandang comments ng karamihan sa pagkapanalo niya.
Si Maggie rin daw ang nagsabi na, "Huwag na lang po nating pansinin. It's really a fact that we cannot please everybody. And we cannot make everybody feel the same way that we do."
Samantala, hindi nakakapagtakang punong-puno ngayon ang schedule ni Maggie, ‘tulad ngayon kung saan nagkaroon sila ng courtesy call sa Malacañang. Ito raw ang dahilan kung kaya't wala pa raw plano ang beauty queen sa darating niyang debut next Thursday, March 15. Wala rin daw idea si Neil kung magkakaroon ng instant party si Maggie sa kanyang debut or ise-celebrate na lang ito nang simple with her family and very close friends.
Dahil allowed pa siyang tumanggap ng showbiz commitments, tuloy-tuloy pa rin daw si Maggie sa pagte-taping ng action-adventure series na Asian Treasures sa GMA-7 at pagiging MTV VJ.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home