Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Wala akong oras sa intriga! -- Katrina

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Monday, November 20, 2006

Wala akong oras sa intriga! -- Katrina

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng press people ang isyu kina Katrina Halili at Aubrey Miles nang magsalita ang huli laban sa una. Sa radio interview ni Mo Twister kay Aubrey kamakailan lang, natanong ni Mo itong si Aubrey kung sino sa palagay niya ang isa sa “worst actresses” sa local showbiz. Nabanggit diumano ni ni Aubrey ang pangalan ni Katrina, kaya sa last presscon ng launching movie niyang Gigil ng Regal Entertainment (na showing na ngayong Miyerkules), eh, ‘di naiwasang hingan si Katrina ng kanyang reaksiyon. Apektado ba si Katrina sa comment na ‘yun ni Aubrey on the air? “Hindi naman po... Kung wala akong mga trabaho, magpapaapekto ako. Eh, ang dami kong work!” bulalas ni Katrina. Hindi ba siya nasaktan o na-offend si pahayag na ‘yun ng sexy star? “Hindi ako nasaktan, nagulat lang,” aniya. “Wala akong magagawa, opinyon niya ‘yun, eh.” Nang si Katrina naman ang hiningan namin ng opinyon tungkol kay Aubrey Miles, ayaw nitong magbi-gay ng anumang comment, dahil aniya, hindi pa raw niya talaga nakakatrabaho si Aubrey para makilalang mabuti. “Nakasama ko lang siya sa isang pictorial, pero wala pa kaming kahit anong pinagsamahan na may eksena kami pareho. “Kung may chance na makatrabaho ko siya, hindi ko sasabihing siya ang worst actress para sa akin.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...