Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Magpakailanman by Ogie Diaz

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, November 15, 2006

Magpakailanman by Ogie Diaz

Kuwento ng mag-asawang ang panganay na anak ay autistic, na sinundan naman ng mongoloid ngunit nakabawi sa ikatlo at ikaapat na anak. Ito ang kuwento sa Magpakailanman, pero nanghinayang kami sa magandang materyal, dahil mas isinatinig (voice-over) ni Tita Mel Tiangco ang kuwento kesa iniarte ng buong cast. Naniniwala kaming kayang gumastos ng GMA-7 para bigyan ng de-kalidad na presentasyon ang MKM, knowing Atty. Felipe Gozon na gusto ay laging quality ang bawat programa. Alam naming mataas lagi ang rating nito, pero baka naman puwedeng itaas din ang production value? Nagkakapare-pareho na ang kuwento, dahil very basic ang mga eksenang kinukunan ng direktor (o baka dapat ding baguhin ang daloy ng iskrip?). Bakit hindi sumubok ng iba-ibang direktor every episode para iba-iba rin ang hagod ng direksiyon sabawat kuwento? Tulad ng ginagawa ng Maalaala Mo Kaya, na hindinag-i-stick sa iisang direktor lang, kaya malalaman mo agad kung pangit o maganda ang pagkakalahad ng kuwento, depende sa execution ng direktor. May image na ang MKM na puro dayalog na lang at voice-over ni Tita Mel ang maririnig mo, pero kulang naman sa matitinding eksena. At sana, sa mga susunod na episode, ipinababasamuna kay Tita Mel ang buong kuwento para maiwasan na niyang itanong sa may-ari ng istorya ang mga tanong na nasagot na sa kuwento... Ngayon. Bukas. At magpakailanman.
* * *

Pero meron kaming favorite sitcom sa Channel 7 at tama lang na magwaging Best Comedy Show, ang Bahay Mo Ba ’To? Swak na swak ang mga artista, walang trying hard magpatawa, walang sapawan at lahat, nakakapag-deliver. Swabeng-swabe rin ang punchlines, kaya mararamdaman mong walang ka-effort-effort ang buong cast, kaya congrats! Ngayon. Bukas. At magpakailanman.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...