Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Dennis Trillo, singer na rin!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, November 16, 2006

Dennis Trillo, singer na rin!

KUNG dati ay SOP at sa commercials lang natin nakikitang kumakanta si Dennis Trillo, ngayon ay full-fledged recording artist na siya!Hindi nga makapaniwala ang matinee idol sa kanyang career move. Ayon sa actor, "Kahit sino naman siguro talagang kakabahan. Lalo na, first time ko talagang magrecord ng album."Marami na raw siyang napatunayan sa pag-arte. Pero nang may mag-alok sa kanyang maging singer, oo agad ang sagot ni Dennis."Syempre, nandyan na yung pagkakataon and ayaw mo naman sayangin 'yon, kasi minsan lang 'to eh." Dagdag rin ni Dennis, "para naman ma-experience ko rin na gumawa ng album. Tutal, talagang passion ko naman dati yung music."At siyempre sa unang recording ni Dennis, ang Asia's Songbird lang naman ang kanyang producer! Tutok na tutok si Regine (Velasquez) habang nagrerecording si Dennis."It's my first time to work with Dennis. And I love producing an album," paliwanag ni Regine. "Yung pagiging creative ko as a singer nagagamit ko rin siya."At mukhang appreciated talaga ang coaching ni Regine kay Dennis. "Well-guided ako. Pinapa-feel niya na kumportable ako, na 'wag akong mailang."Sa mga love songs sa bagong album ni Dennis, hindi malayong mas marami siyang pakiligin.At ayon kay Dennis, para raw sa kanyang mga fans ang ginawang album. "Sila rin 'yung inspirasyon, kasi sila yung naniniwala sa akin."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...