Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Lorna Tolentino as Angel Locsin's New Mom...

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Tuesday, November 14, 2006

Lorna Tolentino as Angel Locsin's New Mom...

Excited si Angel Locsin na maka-trabaho si Dina Bonnevie, ang ina ng kanyang boyfriend nas si oyo Boy Sotto, sa pelikulang Mano Po 5, kaya nanghinayang ito nang malamang pinalitan ni Lorna Tolentino ang aktres para sa role na nanay niya sa pelikula. Ngunit naiintindihan naman daw ni Angel kung bakit kinailangan itong mangyari, at dahil nga kasalukuyang may problema sa kalusugan si Dina, ay hinikayat niya itong magpagaling na muna. Ayon kay Lorna Tolentino, siniguro muna niyang maayos ang lahat bago niya kinuha ang nasabing role. Masaya rin siyang maka-trabaho si Angel. Bilib pa nga ito sa dalaga sapagkat napapanatili nitong “nakatapak ang paa sa lupa kahit na alam niyang siya ang flavor of the month”. Lubos namang nagpasalamat si Angel para sa mga papuring natanggap niya mula sa batikang aktres.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...