Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Robin Padilla, may hinanakit kay Dennis Trillo?

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, November 18, 2006

Robin Padilla, may hinanakit kay Dennis Trillo?

Patuloy ang pagsasanay nina Angel Locsin at Robin Padilla para sa kanilang action-packed show sa GMA na Asian Treasure. Matapos nilang mag-aral ng Muay Thai, Arnis at scuba diving, harness training naman ang pinagkaabalahan nila ngayon. Personal pa ring tinututukan ni Robin Padilla ang kanilang training. Nais daw kasi nitong maging turning point ng career ni Angel ang Asian Treasure bilang isang action star na babae. Hindi tuloy maiwasang ikumpara ni Regine Velasquez ang sarili sa aktor. Siya, bilang vocal coach ni Dennis Trillo sa una nitong album, at ang bad boy naman sa pagtuturo nito kay Angel Locsin. Ngunit may komento si Robin na tila tatama kay Dennis. “Pinagkaiba lang namin, itong tinuturuan ko, magalang,” patukoy ni Robin kay Angel. Makailang beses na raw kasi niyang nakasalubong si Dennis, pero hindi man lang siya binati nito . Depensa naman ni Dennis, “Kapag bumabati ako ng tao, it’s either ngingitian ko lang or tatanguan ko lang, or sasabihin ko lang, ‘Uy, sir, kamusta? Gaganun lang ako.”

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...