Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Ruffa Gutierrez, full support kay Liz Almoro

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Thursday, November 16, 2006

Ruffa Gutierrez, full support kay Liz Almoro

Lingid sa kaalaman ng marami, magkaibigan palang matalik sina Ruffa Gutierrez at ang asawa ni Willie Revillame na si Liz Almoro. Magkaibigan din ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama at ang ina ni Liz na isang car dealer.Bagama't ayaw ni Ruffa na makialam sa gusot ngayon nina Liz at Willie, nais lang niyang magpahayag ng suporta kay Liz."Like I said, I don't really know what happens behind closed doors and I don't want to give any opinions about her marriage," sabi ni Ruffa. "Pero being her friend, nandito lang ako to pray for her. And anytime she needs me, she needs a friend to talk to, I'll always be here."Bukod kay Ruffa, nagpahayag na rin ng pagsuporta kay Liz si Maricel Laxa. Dumalo pa nga sa isa sa mga hearings si Maricel, ngunit hindi siya nagbigay ng gaanong pahayag.Sa pagbalik ni Ruffa sa bansa, abala siya sa iba't ibang projects, kabilang na rito ang renewal ng kanyang endorsement sa Calayan Surgi Center. "I'm really happy with their services," sabi ng dating beauty queen.Napansin din ng marami na kinukumpitensya ni Ruffa ang dating Miss Universe na si Dayanara Torres, na ang ine-endorso naman ay ang Beverly Hills 6750."Iba pa rin ang Pinoy. That's all I can say, 'di ba?" Pabirong sagot ni Ruffa. "Kailangan suportahan natin ang Pilipino, ang tunay na dugong Pilipino, like me."Kasama ni Ruffa sa pagbalik sa bansa ang dalawa niyang anak na babae. Gusto rin daw niyang magka-baby boy, at kung mangyari man iyon at tataba siya dahil doon nakahanda raw siyang sumailalim sa cosmetic surgery. "Sabi ko, hindi ako maga-undergo ng surgery right now. But if I have one or two more, hello naman, baka I'll need it na 'no?"

1 Comments:

At 8:39 AM, November 17, 2006, Blogger mobilephoneextreme said...

Ruffa made the right decision of not giving an opinion about her friend's shattered relationship with willie since it is a family matters beside the case is in the court already.

 

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...