Sunshine, pipirma ng guaranteed contract sa Siyete
LAST taping day ngayon ng Impostora at kung ’di kami nagkakamali’y sa September 21 na ang final episode.
Magwawakas ang teledrama ng GMA-7 na masaya ang management, directors, cast, staff at writers dahil mataas na ang rating, gusto rin ng viewers ang story.
Sa teleserye ipinakita ni Sunshine Dizon ang galing sa pag-arte at versatility dahil kahit anong emotion ang hingin sa kanya ni Direk Maryo J. delos Reyes ay ibinibigay.
Wala pa itong maibalitang tiyak na new project, pero may naririnig siyang naka-line-up at drama uli.
Pipirma ng guaranteed contract sa GMA Network si Sunshine, patunay ito ng tiwala sa kanya ng management at assurance na ’di siya mawawalan ng show.
“Happy ako, it’s good and better for me. Kahit naman wala ’yon, happy ako dahil lahat ng projects na ibinibigay nila’y magaganda at nagugustuhan ng viewers,” wika nito.
After Sept. 12, bakante si Sunshine at kung mahaba ang bakasyon, baka mag-enroll ng Culinary Arts dahil mahilig magluto. May time rin siyang magbasa ng libro na kanyang hilig.
Incidentally, sa Impostora mamaya, nasa loob na ng kabaong si Sara (Sunshine) at tanggap na ang mangyayari sa kanya. Pero, darating si Nicholas (Mark Anthony Fernandez) at huhukayin ang ataul at pagbukas niya’y makikitang wala nang malay si Sara.
Madrama rin ang mga eksena nina Lara (Iza Calzado) at Carlos (Alfred Vargas), Yago (Mart Escudero) at Karen (Jennica Garcia) at laugh trip naman lagi ang eksena nina Betty (Jean Garcia) at Sofia (Joanne Quintas).
* * *

0 Comments:
Post a Comment
<< Home