Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: JC binantaan ang mga type manligaw kay Yasmien

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Saturday, September 08, 2007

JC binantaan ang mga type manligaw kay Yasmien

MATATANDAANG naging kontobersyal muna ang Sinenovela presents… Pasan Ko ang Daigdig nina Yasmien Kurdi at JC de Vera dahil una itong inialok umano kay Jennylyn Mercado.

Eh, ang kaso, nagkaroon ng problema ang ma-nager ni Jen sa GMA-7 and unfortunately ay hindi na nila ito naayos so, ibang proyekto na lang daw ang niluluto ngayon para sa young actress.

Nu’ng nagpunta kami sa presscon ng nasabing sinenovela ay na-realize naming mas mabuti ngang hindi napunta kay Jen ang proyektong ito.

Aba, kung natuloy na ibinigay kay Jennylyn ang proyektong ito, paano niya mabubuhat si Gina Alajar (na gumanap sa papel ni Loreta Marquez noon sa movie version bilang ina ni Sharon Cuneta) eh, ang liit ng katawan ni Jennylyn at medyo lampa.

Si Yasmien, kahit sino ang tanungin n’yo, kayang-kaya niyang buhatin si Ms. Gina dahil proportion ang built ng kanyang katawan. Ang laki pa ng balakang ng batang aktres kaya keri talaga niyang buhatin nang matagal si Ms. Gina.

Eh, kung si Jen ang gaganap ng role na pinasikat ni Sharon Cuneta noong lates 80’s, hindi kaya lalong sumakit lang ang likod niya at mahaba raw ang nilalakad ng mga bida sa seryeng ito para mamalimos, ek?

Hmmn, madalas ay hindi natin nari-realize, pero ang totoo ay mas alam ng nasa Itaas kung ano ang dapat para sa atin, di ba?

Maybe something much better is in store for Jen. At itong proyektong ito ay talagang meant for Yasmien.

Kuwento pa nga ni Yas, sa squatter’s area daw sila ng Payatas at Montalban lagi nagti-ta-ping, pero talagang kina-ya ito ng dalaga.

Although lately ay nakaramdam daw siya ng pagkamanhid ng dalawang braso niya at sumasakit daw ang kanyang likod. Marahil ay sa sobrang pagod.

HOW true na insecure daw si JC de Vera sa mga nanliligaw sa babaing hindi rin niya malaman kung ano sa puso niya ngayon?

Sinetch pa, kundi si Yasmien Kurdi nga.

Medyo naguluhan kami sa naging pahayag ni JC nu’ng tanungin namin siya na paano kung may manligaw din kay Yas?

“Subukan nilang gawin ‘yun!” May ganoong say pa si JC na bagama’t naka-smile siya when he said that ay alam naming he meant it.

Na-confuse lang kami sa sinabi niyang hindi pa sila mag-dyowa ni Yasmien, pero they are more than friends.

Teka, kung hindi pa sila commited ni Yas, bakit ayaw na niyang paligawan ang da-laga sa iba?

Bakit affected siya kung sakaling may lumapit kay Yasmien?

Ito rin ang bagay na na-guguluhan umano si Yasmien. At nang tanungin namin si JC ay napangiti na lang daw siya ‘o! Haay, mga bagets talaga!

Sa kabila nito ay dedicated si Yasmien sa pagtatrabaho at talagang she’s out to prove na hindi nagkamali ang Siyete sa pagpili sa kanya para sa role na ito.

Naman, naging kontrobersyal pa kamo ang papel na kanyang ginagampanan ngayon!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...