Boyfriend ni Camille, minura ni Mommy Alma
Alam n’yo bang dahil alam ni Camille Prats at ng boyfriend nito na tiyak na ikagagalit ng mommy niya kapag nalamang buntis ang young actress ay “inihanda” nila ito?
Paanong paghahanda? Simple lang. Kunwari ay nagpatawag ng meeting ang daddy ni Camille, si Daddy Dondi. Ito ay ginawa sa isang hotel.
Nandu’n ang buong pamilya, na alam na ring two months na that time ang dinadala ni Camille. Takang-taka si Mommy Alma, dahil normally, hindi gano’n sobrang maasikaso sa kanya ang buong pamilya.
Ang hindi niya alam, may naka-standby na ambulansiya sa ibaba ng hotel para kung sakaling atakihin siya sa puso (may hypertension kasi ito), madali nilang maisusugod sa ospital.
Unang nagsabi si Camille sa kanyang tita (asawa ng kapatid ni Mommy Alma) at si tita ang nagsabi kay Daddy Dondi.
Si Daddy Dondi ay natulala nu’ng una, hindi makapaniwala. Lihim ding umiyak, dahil ayaw nitong makikita ng mga anak na umiiyak siya.
Sunod na ipinaalam ni Daddy Dondi kay John. Na-shock si John. Hindi rin makapaniwala. Pinuntahan ni John si Camille sa kuwarto nito.
Wala nang sabi-sabi, niyakap nang buong higpit at nag-iyakan na ang magkapatid. Sobrang close kasi ang dalawa. Best friend ang turingan nila sa isa’t isa.
Hanggang sa eto na nga, inihanda na nila si Mommy Alma. Halos mahimatay nu’ng malaman. Nakuha pang murahin ’yung boyfriend ni Camille habang nag-iiiyak.
Hanggang sa mahimasmasan at unti-unti, tinanggap na ni Mommy Alma ang sitwasyon ng anak. Ang katuwiran nito, nandiyan na at masaya naman ang anak, kaya suportahan na lang.
Kaya ngayong 18 weeks na ang tiyan ni Camille, excited na ang mga future lolo, lola, tito at tita na i-welcome ang baby boy ni Camille come last week of January 2008.
Happy na rin sina Mommy Alma at Daddy Dondi, dahil kahit 21 pa lang si Camille ay handa na itong maging ina.
Kung “pinlano” o “aksidente” ang nangyari kay Camille? No, itinuturing nila itong “blessing” as additional member of the family.
* * *
Alam n’yo bang kahit saang simbahan at kahit ano’ng petsa, sabihin lang ng partido ng pamilya ni Camille, handa itong pakasalan ng 26-year-old businessman-childhood sweetheart?
Ang parents lang ni Camille ang tumanggi, dahil nais muna nilang pagtuunan ng pansin ang kalagayan ni Camille bago isaayos ang kasal.
Gusto rin ni Mommy Alma na sa kanila muna tumira si Camille for two years bago sila bumukod. Si Camille, kaya nag-aaral ngayon sa Los Angeles, California, ay dahil may proposed school nang itatayo sa lote sa kanilang village na kapitbahay ng parents niya.
“Kung sa may kaya, may kaya ang partido ng lalaki. Actually, ibinibigay na nga sa kanila ang isang bahay sa Ayala, Alabang. Pero bibilib ka kay Camille dahil maprinsipyo siyang tao. Ayaw niyang umasa sa kani-kanilang parents,” sabi ng aming source.
Napakabait ng boyfriend ni Camille na pinapayagan siyang bumalik sa pag-aartista as long as masaya siya rito.
“Bilib ako kay Camille, dahil never sumagi sa isip niya na sayang ang career niya, kaya dapat niyang i-give-up ang baby niya. Actually, mas excited siyang maging nanay at sobra na ang paghahanda nilang mag-boyfriend!”
Naku, dapat pala, kay Camille kumuha ng tip ang ibang young actress na kapag “nakabubuo,” sila rin ang “bumabasag.”
0 Comments:
Post a Comment
<< Home