Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Stars Of Ouija: Premiere Night

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, July 25, 2007

Stars Of Ouija: Premiere Night

MATUNOG ngayon ang chica na diumano’y may relasyon ang kontrobers-yal na si Mo Twister at ang isa sa promising stars ng GMA Artist Center na si Rhian Ramos.

Ayon sa matabil na radio personality, na ngayo’y madalas ding napapanood sa TV, si Rhian ang unang kumontak sa kanya para diumano’y magpabati sa programa.

“She called me na papunta siya sa shooting o sa taping. Kaya, I will greet her on the show. Ganun lang. And others thought na kami na,” sey ni Mo na fadir ng love child ni Bunny Paras na utol naman ni Sharmaine Arnaiz.

Kung kami ang tatanungin ay wala namang masama ru’n sa ginawa ng dalaga lalo’t inamin niyang fan siya ng show ni Mo.

“I like the show kasi not everybody can be as bold as Mo na nakapagdi-discuss ng issues na medyo too hot to handle. Kaya, ‘pag may time, nakikinig ako sa kanya at ‘yun nga, tumawag ako just to say fan niya ako at nag-request ako ng kanta,” sey ni Rhian.

Sa isang event daw sila nagkakilala in person at pagkatapos noon ay sa mga guesting sa shows ng GMA-7. Nag-click sila at naging friends. Palibhasa’y parehong makuwento, huh!

Sa totoo lang, wala pa sa bokabularyo ni Rhian ang BF o dyowa. Mas gusto raw niyang harapin ang budding acting career sa TV (regular siya sa Lupin) at pelikula (kasali siya sa Ouija na joint venture ng Viva Films at GMA Films).

Sa first movie pa lang niyang The Promise nina Richard Gutierrez at Angel Locsin ay napansin na agad ang acting ni Rhian. At ngayon nga, bilang youngest sa magpipinsang nakialam sa Ouija board at naglaro ng spirit of the glass, ay naipakita niyang muli ang husay nang makipagsabayan siya kina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal at Iza Calzado.

Palabas na ang horror film na talaga namang mag-papatindig ng inyong balahibo ngayong Miyerkules na bahagi pa rin ng ika-57 anibersaryo ng Kapuso Network. Tiyak na mapapatili kayo sa suspense.

And take note, walang sapawan ang mga artista sa pelikula. Nagawa ni Direk Topel Lee na bigyan sila ng kani-kanilang moment, ‘ika nga. Wala rin kaming masabi sa cinematography.

Parang gawang-Hollywood ang dating.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...