Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!: Siyete, nilinlang ni Angel!

Kapuso Mo Sa Bawat Tagumpay Ng Buhay!

Feel the Fun... Feel the Love... This website is dedicated to GMA Network Kapuso and to all our fellow Kapuso around the world. We want to represent not only the Kapuso in the Philippines but all of our Kapuso abroad.

Wednesday, July 25, 2007

Siyete, nilinlang ni Angel!

Kung may halong pagtatampo ang pahayag ni Wilma Galvante, SVP for Entertainment ng GMA-7, sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, si Annette Gozon-Abrogar, president ng GMA Films, mahal pa rin ang actress at anak-anakan ang turing dito.

Nakapag-usap sila bago umalis si Angel for the U.S. kasama sina Wilma at Redgie Magno, pero ang alam yata nila’y hindi lilipat ang actress.

Hindi pa nai-interview si Annette sa isyung paglipat ni Angel dahil busy sa promo ng Ouija at pag-aasikaso sa three special screenings ng movie kasama ang premiere night kagabi sa SM Megamall.

Ang babantayan naman nito this Wednesday ay ang opening ng movie sa 106 theaters nationwide.

Kung susuwertehin, baka madagdagan ang sinehang paglalabasan ng pelikula nina Jolina Magdangal, Iza Calzado, Rhian Ramos at Judy Ann Santos, lalo pa nga’t nabigyan ito ng “A” grade ng Cinema Evaluation Board (CEB) kahapon.

Siyanga pala, sa pag-alis ni Angel sa Channel 7, ituloy pa kaya ng network ang planong ibalik ang Darna?

Sabagay, puwedeng ibigay kay Marian Rivera ang project o kaya’y kay Katrina Halili.

Maraming puwedeng lumulon ng bato at lumipad sa talents ng network.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Regine Velasquez -...